Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kaluluwa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Totoo na sinasabi ng ulat na ‘inihihip ng Diyos sa mga butas ng ilong ng tao ang hininga [isang anyo ng nesha·mahʹ] ng buhay,’ ngunit walang sinabing ganito sa ulat ng paglalang sa mga hayop. Gayunman, maliwanag na mas detalyado ang ulat ng paglalang sa tao kaysa sa ulat ng paglalang sa mga hayop. Karagdagan pa, nang ilarawan ang pagpuksa ng Baha sa “lahat ng laman” na nasa labas ng arka, itinala ng Genesis 7:21-23 ang mga nilalang na hayop kasama ng mga tao at sinabi nito: “Ang lahat ng may hininga [isang anyo ng nesha·mahʹ] ng puwersa ng buhay sa mga butas ng kaniyang ilong, samakatuwid ay lahat ng nasa tuyong lupa, ay namatay.” Maliwanag na ang hininga ng buhay ng mga nilalang na hayop ay nagmula rin sa Maylalang, ang Diyos na Jehova.

  • Kaluluwa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ipinahihiwatig ng pananalitang “hininga ng puwersa ng buhay [sa literal, hininga ng espiritu, o aktibong puwersa (ruʹach), ng buhay]” (Gen 7:22) na ang puwersa ng buhay, o “espiritu,” ay sinusustinihan sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin (na may oksiheno). Ang puwersang ito ng buhay ay matatagpuan sa bawat selula ng katawan ng isang nilalang, gaya ng tinatalakay sa ilalim ng artikulong BUHAY; ESPIRITU.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share