Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bahay ng Kagubatan ng Lebanon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang Bahay ng Kagubatan ng Lebanon ay may haba na 100 siko (44 na m; 146 na piye), may lapad na 50 siko (22 m; 73 piye), at may taas na 30 siko (13 m; 44 na piye). Lumilitaw na yari sa bato ang mga dingding nito (1Ha 7:9), anupat may mga bigang sedro na ang mga dulo ay nakabaon sa mga dingding at sinusuportahan din ng apat na hanay ng mga haligi (“apat” sa tekstong Hebreo; “tatlo” sa Griegong Septuagint). Sa ibabaw ng mga haligi, maliwanag na may mga silid na nilagyan ng entrepanyong sedro. Ang ilang iminungkahing modelo ng bahay na ito ay may tatlong baytang ng mga silid sa ibabaw ng mga haligi at nakaharap ang mga ito sa isang looban na walang bubong na nasa gitna naman ng gusali.

  • Bahay ng Kagubatan ng Lebanon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • May suliraning bumabangon tungkol sa bilang ng mga hanay ng mga haligi, gaya ng nabanggit na. Sinasabi ng tekstong Hebreo na may apat na hanay at pagkatapos ay may binabanggit itong 45 haligi, pagkatapos ay sinasabi pa nito: “May labinlima sa isang hanay.” (1Ha 7:2, 3) Ipinapalagay ng ilan na ang teksto rito ay kumakapit sa mga silid na nasa tatlong baytang, 15 silid sa isang hanay, at na maaaring mas marami pa ang mga haligi na inilagay sa apat na hanay. Mas gusto naman ng iba ang “tatlong” hanay ng mga haligi na mababasa sa Septuagint. Binago ng ilang salin ang mababasa sa teksto upang ang ‘apatnapu’t lima’ ay tumukoy sa mga biga sa halip na sa mga haliging patayo.​—Tingnan ang NE, NAB, AT, AS.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share