-
Kalasingan, PaglalasingKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Bakit inilalahad ng Bibliya ang tungkol sa pagkalasing ng mga lalaking gaya nina Noe at Lot?
Binabanggit ng Bibliya ang ilang kaso ng pagkalasing kapag ang mga iyon ay may mahalagang bagay na nililinaw. Halimbawa, inilalahad nito na pagkatapos ng Baha, si Noe ay nagtanim ng isang ubasan, “nagsimulang uminom ng alak at nalango.” Iniulat sa Kasulatan ang pangyayaring ito upang ipakita ang dahilan kung bakit bumigkas si Noe ng sumpa laban kay Canaan. (Gen 9:20-27)
-
-
Kalasingan, PaglalasingKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Yamang mariing hinahatulan ng Salita ng Diyos ang paglalasing, makatitiyak tayo na ang matuwid na mga lalaking ito ay walang bisyong magpakalabis sa pag-inom ng alak, na hindi sila mga lasenggo. Ngunit makikita rito ang pagkatahasan ng Bibliya, sapagkat hindi nito ikinukubli ang katotohanan kapag naglalahad ng mga pangyayaring nagsasangkot sa mga tauhan ng Bibliya para sa ating kaliwanagan.
-