-
PagkakalboKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang propeta ni Jehova na si Eliseo ay kalbo. Pagkatapos niyang halinhan si Elias sa katungkulan ng propeta at samantalang umaahon siya mula sa Jerico patungong Bethel, nilibak siya ng isang pangkat ng mga bata na sumisigaw: “Umahon ka, kalbo! Umahon ka, kalbo!” Waring hindi ang pagiging kalbo ni Eliseo ang pangunahing dahilan ng kanilang pangungutya kundi dahil nakita nila na suot ng isang lalaking kalbo ang pamilyar na opisyal na kasuutan ni Elias. Ayaw nilang makita roon ang sinumang kahalili ni Elias. Gusto nilang magpatuloy na lamang siya sa pag-ahon sa Bethel o umakyat siya sa langit sa pamamagitan ng buhawi gaya ng ginawa ng dating may-suot ng opisyal na kasuutang iyon. (2Ha 2:11)
-