Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • bm seksiyon 12 p. 15
  • Praktikal na Karunungan Mula sa Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Praktikal na Karunungan Mula sa Diyos
  • Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
  • Kaparehong Materyal
  • Aklat ng Bibliya Bilang 20—Mga Kawikaan
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Kawikaan 3:5, 6—“Huwag Kang Umasa sa Sarili Mong Unawa”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
  • Magtamo ng Karunungan at Tanggapin ang Disiplina
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Kawikaan 22:6—“Turuan Mo ang Bata sa Daan na Dapat Niyang Lakaran”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
bm seksiyon 12 p. 15
Mga taong nagtitipon ng butil noong panahon ng Bibliya

SEKSIYON 12

Praktikal na Karunungan Mula sa Diyos

Ang aklat ng Kawikaan ay isang koleksiyon ng praktikal na mga payo mula sa Diyos​—karamihan ay isinulat ni Solomon

ISA bang marunong na Tagapamahala si Jehova? Makikita ang sagot sa mga payo na ibinibigay niya. Mabisa ba ang mga ito? Nagiging mas maayos ba at makabuluhan ang buhay kapag sinusunod ang mga ito? Ang marunong na si Haring Solomon ay sumulat ng daan-daang kawikaan may kinalaman sa bawat pitak ng buhay. Tingnan natin ang ilang halimbawa.

Pagtitiwala sa Diyos. Napakahalaga ng pagtitiwala para magkaroon ng mabuting kaugnayan kay Jehova. Sumulat si Solomon: “Magtiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso at huwag kang manalig sa iyong sariling pagkaunawa. Sa lahat ng iyong mga lakad ay isaalang-alang mo siya, at siya mismo ang magtutuwid ng iyong mga landas.” (Kawikaan 3:5, 6) Kapag nagtitiwala ang isa sa Diyos sa pamamagitan ng paghingi ng Kaniyang patnubay at pagsunod sa mga ito, nagiging tunay na makabuluhan ang buhay. Sa paggawa nito, napapasaya ng tao ang puso ng Diyos at nasasagot ni Jehova ang mga isyung ibinangon ng Kaniyang kaaway, si Satanas.​—Kawikaan 27:11.

Pakikitungo sa iba. Tamang-tama sa ngayon ang payo ng Diyos para sa mga asawang lalaki, asawang babae, at mga anak. “Magsaya ka sa asawa ng iyong kabataan,” ang payo ng Diyos sa asawang lalaki, na nangangahulugang dapat siyang manatiling tapat sa kaniyang asawa. (Kawikaan 5:18-20) Sa aklat ng Kawikaan, mababasa ng mga babaing may asawa ang napakagandang paglalarawan tungkol sa isang may-kakayahang asawang babae na pinupuri ng kaniyang asawa at mga anak. (Kawikaan, kabanata 31) At mababasa naman ng mga anak ang tagubilin na maging masunurin sa kanilang mga magulang. (Kawikaan 6:20) Ipinakikita rin ng aklat na ito na mahalaga ang pagkakaibigan, dahil ang isa na bumubukod ay nagiging makasarili. (Kawikaan 18:1) Posible tayong maimpluwensiyahan ng ating mga kaibigan na maging masama o mabuti, kaya dapat tayong maging marunong sa pagpili ng mga kaibigan.​—Kawikaan 13:20; 17:17.

Pakikitungo sa sarili. Maraming mahahalagang payo sa aklat ng Kawikaan. Nariyan ang tungkol sa pagiging masipag, pag-iwas sa paglalasing, at ang tungkol sa mga saloobing dapat linangin o iwasan para magkaroon ng mabuting kalusugan. (Kawikaan 6:6; 14:30; 20:1) Nagbababala ito na ang pagtitiwala sa sariling pasiya, sa halip na sa payo ng Diyos, ay hahantong sa kapahamakan. (Kawikaan 14:12) Pinapayuhan din tayo nito na ingatan ang puso mula sa masasamang impluwensiya, dahil sa puso “nagmumula . . . ang mga bukal ng buhay.”​—Kawikaan 4:23.

Napatunayan ng milyun-milyong tao sa daigdig na nagiging mas makabuluhan ang buhay kapag sinusunod ang gayong mga payo. Kaya may matibay silang dahilan para tanggapin si Jehova bilang kanilang Tagapamahala.

​—Batay sa aklat ng Kawikaan.

  • Ano ang matututuhan natin sa aklat ng Kawikaan?

  • Anong mga payo ang ibinibigay ng Kawikaan may kinalaman sa pagtitiwala sa Diyos at sa pakikitungo sa iba at sa sarili?

ECLESIASTES

Ano kaya ang susi ng pagiging kontento at pagkakaroon ng makabuluhang buhay? Nasa posisyon si Solomon para masagot iyan. Palibhasa’y nasa kaniya nang lahat ang yaman, talino, at kapangyarihan, mapatutunayan niya kung nakadepende nga rito ang tunay na kaligayahan. Nagpakasasa siya sa materyal na mga bagay, nakapag-asawa ng maraming magagandang babae, at nakasubok ng iba’t ibang libangan. Nagpatayo siya ng malalaki at magagandang gusali. Napag-aralan niya ang mga akda ng iba’t ibang iskolar. Ano ang napatunayan niya? “Ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan.” Kaya ano ang konklusyon niya? “Ang katapusan ng bagay, matapos marinig ang lahat, ay: Matakot ka sa tunay na Diyos at tuparin mo ang kaniyang mga utos. Sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao.”​—Eclesiastes 12:8, 13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share