-
Paano Nagsimula ang Buhay?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
3. Bakit naiiba ang mga tao sa mga hayop?
Pagkatapos lalangin ni Jehova ang lupa, nilalang naman niya ang mga nabubuhay rito. Una, nilalang niya ang mga halaman at hayop. Pagkatapos, “nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan.” (Basahin ang Genesis 1:27.) Bakit naiiba ang mga tao? Kasi nilalang tayo ayon sa larawan ng Diyos. Kaya maipapakita natin ang mga katangian niya, gaya ng pag-ibig at katarungan. Nilalang din niya tayo na may kakayahang matuto ng wika, pahalagahan ang magagandang bagay, at mag-enjoy sa musika. At di-gaya ng mga hayop, kaya nating sambahin ang ating Maylalang.
-
-
Paano Nagsimula ang Buhay?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
6. Ang mga tao ay espesyal na nilalang ng Diyos
Nilalang tayo ni Jehova na naiiba sa mga hayop. Basahin ang Genesis 1:26. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Nilalang tayo ayon sa larawan ng Diyos at kaya nating magpakita ng pag-ibig at awa. Ano ang sinasabi nito tungkol sa kaniya?
-