Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ‘Maging mga Tagatulad sa Diyos’
    Ang Bantayan—2008 | Oktubre 1
    • Pinapayuhan ng Salita ng Diyos ang mga tunay na Kristiyano: “Kaya nga, maging mga tagatulad kayo sa Diyos, bilang mga anak na minamahal.” (Efeso 5:1) Isa itong nakaaantig na kapahayagan ng pagtitiwala ng Diyos sa kaniyang mga mananamba. Bakit? Nilalang ng Diyos na Jehova ang tao ayon sa Kaniyang larawan, ayon sa Kaniyang wangis. (Genesis 1:26, 27) Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng mga katangiang gaya ng sa Kaniya.a Kaya nga, sa payo ng Bibliya sa mga Kristiyano na “maging mga tagatulad kayo sa Diyos,” para bang sinasabi mismo ni Jehova sa kanila: ‘May tiwala ako sa inyo. Alam kong kaya ninyo akong tularan kahit hindi kayo sakdal.’

  • ‘Maging mga Tagatulad sa Diyos’
    Ang Bantayan—2008 | Oktubre 1
    • a Ipinakikita ng Colosas 3:9, 10 na ang pagkalalang ayon sa larawan ng Diyos ay may kinalaman sa personalidad ng isang tao. Sinumang nagnanais paluguran ang Diyos ay hinihimok na damtan ang kanilang sarili ng “bagong personalidad,” na “ginagawang bago ayon sa larawan ng Isa [Diyos] na lumalang nito.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share