Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 157
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Likas na mga Sakuna?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Likas na mga Sakuna?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Bakit tayo makakatiyak na ang likas na mga sakuna ay hindi parusa ng Diyos?
  • Ang likas na mga sakuna ba ay tanda na nabubuhay na tayo sa mga huling araw?
  • Paano tinutulungan ng Diyos ang mga biktima ng likas na mga sakuna?
  • Likas na mga Sakuna—Bakit Napakarami?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Ang mga Likas na Sakuna Ba ay Parusa Mula sa Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Parusa ba ng Diyos sa mga Tao ang Likas na mga Sakuna?
    Gumising!—2012
  • Likas na mga Kapahamakan—Kagagawan ba ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 157
Tinitingnan ng isang pamilya ang mga nawasak ng likas na sakuna

Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Likas na mga Sakuna?

Ang sagot ng Bibliya

Hindi Diyos ang dahilan ng likas na mga sakuna ngayon, pero may malasakit siya sa mga biktima nito. Wawakasan ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng dahilan ng pagdurusa, kasama na ang likas na mga sakuna. Pero sa ngayon, naglalaan ang Diyos ng pampatibay-loob sa mga biktima nito.—2 Corinto 1:3.

  • Bakit tayo makakatiyak na ang likas na mga sakuna ay hindi parusa ng Diyos?

  • Ang likas na mga sakuna ba ay tanda na nabubuhay na tayo sa mga huling araw?

  • Paano tinutulungan ng Diyos ang mga biktima ng likas na mga sakuna?

  • Matutulungan ba tayo ng Bibliya na maging handa sa likas na mga sakuna?

  • Mga teksto sa Bibliya na makakapagpatibay sa mga biktima ng likas na sakuna

Bakit tayo makakatiyak na ang likas na mga sakuna ay hindi parusa ng Diyos?

Iba ang paggamit ng Diyos sa puwersa ng kalikasan, na mababasa sa Bibliya, kaysa sa likas na mga sakuna.

  • Walang pinipili ang likas na mga sakuna. Sa kabaligtaran, nang gamitin ng Diyos ang puwersa ng kalikasan para ilapat ang kaniyang hatol, tiniyak niyang masasama lang ang malilipol. Halimbawa, nang wasakin ng Diyos ang sinaunang lunsod ng Sodoma at Gomorra, iniligtas niya ang mabuting taong si Lot at ang dalawang anak nito. (Genesis 19:29, 30) Nabasa ng Diyos ang puso ng mga indibidwal na ito at ang masasama lang ang pinuksa niya.—Genesis 18:23-32; 1 Samuel 16:7.

  • Dumarating nang biglaan o walang babala ang likas na mga sakuna. Bago puksain ng Diyos ang masasama gamit ang puwersa ng kalikasan, nagbababala muna siya. Ang mga nakinig sa babala ay nagkaroon ng pagkakataon na makatakas sa sakuna.—Genesis 7:1-5; Mateo 24:38, 39.

  • Kung minsan, kagagawan din ng mga tao ang likas na mga sakuna. Paano? Kapag sinisira nila ang kalikasan, nagtatayo ng mga bahay o gusali sa lugar na madalas ang lindol, baha, at bagyo. (Apocalipsis 11:18) Hindi dapat sisihin ang Diyos sa masasamang resulta na gawa ng mga tao.—Kawikaan 19:3.

Ang likas na mga sakuna ba ay tanda na nabubuhay na tayo sa mga huling araw?

Oo, inihula ng Bibliya na magkakaroon ng mga sakuna sa “katapusan ng sistemang ito” o sa “mga huling araw.” (Mateo 24:3; 2 Timoteo 3:1) Halimbawa, sinabi ni Jesus tungkol sa ating panahon: “Magkakaroon ng taggutom at lindol sa iba’t ibang lugar.” (Mateo 24:7) Malapit nang alisin ng Diyos ang lahat ng dahilan ng paghihirap at pagdurusa ng mga tao, kasama na ang likas na mga sakuna.—Apocalipsis 21:3, 4.

Paano tinutulungan ng Diyos ang mga biktima ng likas na mga sakuna?

  • Ginagamit ng Diyos ang kaniyang Salita, ang Bibliya, para patibayin ang mga biktima. Tinitiyak ng Bibliya na nagmamalasakit ang Diyos sa atin at nararamdaman niya ang pagdurusa natin. (Isaias 63:9; 1 Pedro 5:6, 7) Mababasa rin dito ang pangako niya na mawawala na ang likas na mga sakuna.—Tingnan ang “Mga teksto sa Bibliya na makakapagpatibay sa mga biktima ng likas na mga sakuna.”

  • Ginagamit ng Diyos ang mga mananamba niya para tulungan ang mga biktima. Ang mga mananamba ng Diyos ay tumutulad sa halimbawang ipinakita ni Jesus. Inihula na patitibayin ni Jesus ang mga “may pusong nasasaktan” at ang “lahat ng nagdadalamhati.” (Isaias 61:1, 2) Ganiyan din ang sinisikap gawin ng mga mananamba ng Diyos.—Juan 13:15.

    Ginagamit din ng Diyos ang kaniyang mga mananamba para magbigay ng praktikal na tulong sa mga biktima ng likas na mga sakuna.—Gawa 11:28-30; Galacia 6:10.

Kinukumpuni ng mga Saksi ni Jehova ang isang bahay sa Puerto Rico

Mga Saksi ni Jehova na tumutulong sa mga biktima ng bagyo sa Puerto Rico

Matutulungan ba tayo ng Bibliya na maging handa sa likas na mga sakuna?

Oo. Hindi man isang manwal para sa paghahanda sa likas na mga sakuna ang Bibliya, may mga prinsipyo naman ito na makakatulong. Halimbawa:

  • Patiunang magplano ng mga gagawin kapag may likas na mga sakuna. “Nakikita ng matalino ang panganib at nagtatago,” ang sabi ng Bibliya. (Kawikaan 22:3) Isang katalinuhan kung mayroon na tayong emergency plan. Kasama rito ang pagkakaroon ng emergency kit na madaling kunin. Praktisin din bilang pamilya kung saan magkikita-kita kapag may sakuna.

  • Pahalagahan ang buhay kaysa mga pag-aari. Sinasabi ng Bibliya: “Wala tayong dinalang anuman sa mundo, at wala rin tayong anumang mailalabas.” (1 Timoteo 6:7, 8) Dapat na handa nating iwan ang ating bahay at mga pag-aari kapag may sakuna. Tandaan, mas mahalaga ang ating buhay kaysa sa mga materyal na mga bagay.—Mateo 6:25.

Mga teksto sa Bibliya na makakapagpatibay sa mga biktima ng likas na mga sakuna

Genesis 18:25: “Malayong mangyari na patayin [ng Diyos] ang matuwid kasama ng masama . . . Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong lupa kung ano ang tama?”

Ibig sabihin: Laging ginagawa ng Diyos ang tama; hindi siya ang dapat sisihin kapag may namatay na mabuting tao dahil sa likas na mga sakuna.

Awit 46:1, 2: “Ang Diyos ang ating kanlungan at lakas, handa siyang tumulong kapag may mga problema. Kaya hindi tayo matatakot, kahit may pagbabagong mangyari sa lupa.”

Ibig sabihin: Anuman ang mangyari sa paligid natin, bibigyan tayo ng Diyos ng lakas na kailangan natin.

Isaias 63:9: “Sa lahat ng paghihirap nila ay nahihirapan siya.”

Ibig sabihin: May empatiya ang Diyos—nararamdaman niya kapag nagdurusa tayo.

Juan 5:28, 29: “Darating ang panahon na ang lahat ng nasa mga libingan ay makaririnig sa tinig [ni Jesus].”

Ibig sabihin: May pag-asa tayong makitang muli ang mga namatay nating mahal sa buhay dahil binigyan ng Diyos ng kapangyarihan si Jesus na bumuhay ng patay.

1 Pedro 5:6, 7: “Magpakababa kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos . . . habang inihahagis ninyo sa kaniya ang lahat ng inyong álalahanín, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.”

Ibig sabihin: Talagang nagmamalasakit ang Diyos sa atin at gusto niyang sabihin natin sa panalangin ang mga kabalisahan natin.

Apocalipsis 21:4: “Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot. Ang dating mga bagay ay lumipas na.”

Ibig sabihin: Aalisin ng Diyos ang lahat ng dahilan ng pagdurusa, kasama na ang likas na mga sakuna.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share