-
Paano Nagsimula ang Buhay?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
3. Bakit naiiba ang mga tao sa mga hayop?
Pagkatapos lalangin ni Jehova ang lupa, nilalang naman niya ang mga nabubuhay rito. Una, nilalang niya ang mga halaman at hayop. Pagkatapos, “nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan.” (Basahin ang Genesis 1:27.) Bakit naiiba ang mga tao? Kasi nilalang tayo ayon sa larawan ng Diyos. Kaya maipapakita natin ang mga katangian niya, gaya ng pag-ibig at katarungan. Nilalang din niya tayo na may kakayahang matuto ng wika, pahalagahan ang magagandang bagay, at mag-enjoy sa musika. At di-gaya ng mga hayop, kaya nating sambahin ang ating Maylalang.
-
-
Paano Nagsimula ang Buhay?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
5. May dahilan para paniwalaan ang rekord ng Bibliya tungkol sa paglalang
Sa Genesis kabanata 1, inilarawan ng Bibliya kung paano nilalang ang lupa at ang buhay rito. Kapani-paniwala ba ang rekord na ito o isa lang itong alamat? Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Itinuturo ba ng Bibliya na nilalang ang lupa at ang buhay rito sa loob ng anim na araw na may tig-24 na oras?
Sa tingin mo, tama ba at lohikal ang rekord ng Bibliya tungkol sa paglalang? Bakit iyan ang sagot mo?
Basahin ang Genesis 1:1. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Sinasabi ng mga siyentipiko na may pasimula ang uniberso. Ano ang pagkakapareho niyan sa binasa mong teksto?
Iniisip ng ilan na ginamit ng Diyos ang ebolusyon para lalangin ang buhay. Basahin ang Genesis 1:21, 25, 27. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Itinuturo ba ng Bibliya na lumalang ang Diyos ng isang uri ng buhay at pagkatapos ay nag-evolve ito at naging mga isda, mamalya, at tao? O nilalang niya ang lahat ng pangunahing “uri” ng buhay?b
-