SIDIM, MABABANG KAPATAGAN NG
Isang libis na iniuugnay ng Kasulatan sa Dagat Asin (Dagat na Patay). (Gen 14:3) Noong mga araw ni Abraham, dito nakipagbaka kay Haring Kedorlaomer ng Elam at sa tatlong kaalyado nito ang mapaghimagsik na mga hari ng Sodoma, Gomorra, Adma, Zeboiim, at Zoar. Matapos matalo, ang mga hari ng Sodoma at Gomorra ay tumakas. Ngunit ang ilan sa kanilang mga hukbo ay nahulog sa nagkalat na “mga hukay ng bitumen” sa lugar na iyon.—Gen 14:4, 8-10.
Naniniwala ang ilan na ang Mababang Kapatagan ng Sidim ay ang tulad-lawang bahagi ng Dagat na Patay sa T ng Peninsula ng Lisan. Naniniwala sila na dati itong matabang libis na lumubog nang maglaon, marahil ay dahil sa paglindol o dahil sa pagbabago ng topograpiya nang puksain ng Diyos ang Sodoma, Gomorra, at ang buong Distrito. (Gen 19:24, 25) Pana-panahon ay mayroon pa ring lumulutang na mga materyang may bitumen sa mabababaw na katubigan doon.—Tingnan ang DAGAT ASIN.