Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paglalang, Nilalang
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bagaman si Jehova, na isang Espiritu (Ju 4:24; 2Co 3:17), ay umiiral na mula’t sapol, hindi ganiyan ang materyang bumubuo sa sansinukob. Samakatuwid, nang lalangin niya ang literal na langit at lupa, hindi gumamit si Jehova ng materyal na dati nang umiiral. Nililinaw iyan ng Genesis 1:1, na nagsasabi: “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.” Kung dati nang umiiral ang materya, hindi wastong gamitin ang terminong “pasimula” para sa materyal na mga bagay. Gayunman, matapos Niyang lalangin ang planetang Lupa, inanyuan ng Diyos “mula sa lupa ang bawat mailap na hayop sa parang at bawat lumilipad na nilalang sa langit.” (Gen 2:19) Inanyuan din niya ang tao “mula sa alabok ng lupa,” anupat inihihip sa mga butas ng ilong nito ang hininga ng buhay kung kaya ang tao ay naging isang kaluluwang buháy.​—Gen 2:7.

  • Paglalang, Nilalang
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Nang sabihin nitong, “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa” (Gen 1:1), hindi tiniyak ng Kasulatan kung aling panahon ang tinutukoy nito. Kaya naman hindi mapupulaan ang paggamit dito ng terminong “pasimula,” anumang edad ang tinataya ng mga siyentipiko para sa makalupang globo at sa iba’t ibang planeta at iba pang mga bagay sa kalangitan. Posibleng bilyun-bilyong taon na ang nakararaan mula nang aktuwal na lalangin ang materyal na langit at lupa.

  • Paglalang, Nilalang
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang Genesis 1:1, 2 ay tumutukoy sa isang panahon bago ang anim na “araw” na binalangkas sa tsart. Nang magsimula ang “mga araw” na ito, umiiral na ang araw, buwan, at mga bituin, yamang binanggit na sa Genesis 1:1 ang paglalang sa mga ito. Gayunman, bago ang anim na “araw” na ito, “ang lupa ay walang anyo at tiwangwang at may kadiliman sa ibabaw ng matubig na kalaliman.” (Gen 1:2) Lumilitaw na nababalutan pa rin ang lupa ng isang kulandong ng mga suson ng ulap, anupat hinaharangan nito ang liwanag upang hindi makaabot sa ibabaw ng lupa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share