-
LetusimKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
LETUSIM
[posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “patalasin; pukpukin; pandayin”].
Isang pangalang lumilitaw kasama ng mga inapo nina Abraham at Ketura sa pamamagitan ni Dedan. (Gen 25:3) Ang pangalang ito ay may pangmaramihang hulaping Hebreo na im, gaya rin ng mga pangalang Asurim at Leumim na lumilitaw sa teksto ring iyon. Dahil dito, maraming iskolar ang naniniwala na ang tinutukoy ay isang tribo o bayan. Dahilan sa kaugnayan nila kay Dedan, malamang na nanirahan ang tribong ito sa Peninsula ng Arabia, ngunit imposibleng matiyak kung aling tribo ang espesipikong tinutukoy.—Tingnan ang MIZRAIM.
-
-
LeumimKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
LEUMIM
[Mga Lipi ng mga Bansa; Mga Populasyon].
Isang pangalang lumilitaw sa Genesis 25:1-3 kasama ng Asurim at Letusim, na pawang mga inapo nina Abraham at Ketura sa pamamagitan ni Dedan. Ang paggamit ng pangmaramihang hulaping Hebreo na im sa pangalang Leumim ay maaaring magpahiwatig na kumakatawan ito sa isang tribo o bayan. Hindi posibleng gumawa ng espesipikong pagtukoy sa Dedanitang tribong ito. Gayunman, iminumungkahing nanahanan sila sa ilang bahagi ng Arabia, malamang ay sa kapaligiran na karaniwang iniuugnay kay Dedan.—Tingnan ang MIZRAIM.
-