Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Platano, Punong”
  • Platano, Punong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Platano, Punong
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Puno ng Sikomoro
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Punungkahoy
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Dambuhalang Punungkahoy
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Langis, Puno ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Platano, Punong”

PLATANO, PUNONG

[sa Heb., ʽer·mohnʹ; sa Ingles, plane tree].

Isang punungkahoy na maringal ang anyo, tumataas nang mga 20 m (70 piye), anupat ang mahahabang sanga at mga dahon nito na matingkad na luntian at tulad ng sa punong ubas ay naglalaan ng mainam na lilim. Kadalasan, ang sukat ng katawan nito ay 3 hanggang 4 na m (10 hanggang 13 piye). Taun-taon, ang panlabas na talob ng punong platano (Platanus orientalis) ay natutuklap nang pahaba o kaya ay seksiyon-seksiyon, anupat nalalantad ang makinis at maputing panloob na talob sa ilalim.

Posibleng ang pangalan ng punong ito sa Hebreo ay nagmula sa pandiwang ʽa·rahʹ, nangangahulugang “ihantad; ilantad.” (Zef 2:14; Isa 22:6) Sa Genesis 30:37, 38, si Jacob ay inilarawang naglalagay ng mga baston na mula sa punong ito, kasama ng mga baston mula sa ibang mga puno, sa harap ng mga kawan ni Laban sa Haran na nasa Sirya. Ang mga baston ay tinalupan, anupat ‘inihantad,’ o ipinakita, ang “mga puting bahagi.”

Ang punong ito ay maihahambing sa, ngunit hindi aktuwal na katumbas ng, maringal na sedro ng Lebanon, na ginamit ni Ezekiel upang lumarawan kay Paraon at sa buong pulutong nito.​—Eze 31:8.

Ang mga punong platano ay matatagpuan sa kahabaan ng mga ilog at mga batis sa buong Sirya at sa rehiyon ng sinaunang Asirya, gayundin ang ilan sa Palestina at Lebanon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share