Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Pakisuyo, Pakinggan Ninyo ang Panaginip na Ito”
    Ang Bantayan—2014 | Agosto 1
    • Nilapitan sila ni Jose na walang kamalay-malay sa kanilang maitim na balak. Umaasa siyang hindi nila siya aawayin. Pero sinunggaban nila siya! Hinubad nila ang kaniyang espesyal na damit, kinaladkad, at inihagis sa tuyong balon. Kawawang Jose! Sinubukan niyang tumayo, pero hindi siya makaahon mula sa balon. Ang nakikita lang niya mula sa butas ng balon ay ang langit. Habang humihina ang tinig ng papalayô niyang mga kuya, sumigaw siya at nagmakaawa. Ngunit hindi nila siya pinansin. Wala silang awa, nakuha pa nilang kumain malapit doon. Habang wala si Ruben, binalak na naman nilang patayin si Jose, pero kinumbinsi sila ni Juda na ipagbili na lang ito sa mga mangangalakal. Ang Dotan ay malapit sa ruta ng kalakalan patungo sa Ehipto. Di-nagtagal, dumaan ang caravan ng mga Ismaelita at Midianita. Bago pa makabalik si Ruben, naipagbili na nila si Jose bilang alipin sa halagang 20 siklo.b​—Genesis 37:23-28; 42:21.

      Inihagis si Jose ng mga kuya niya sa balon at kinuha ang kaniyang damit

      Nanindigan si Jose sa kung ano ang tama, pero kinapootan siya ng mga kuya niya

  • “Pakisuyo, Pakinggan Ninyo ang Panaginip na Ito”
    Ang Bantayan—2014 | Agosto 1
    • b Tumpak ang ulat ng Bibliya kahit na sa maliit na detalyeng ito. Ipinakikita ng mga dokumento noong panahong iyon na 20 siklo nga ang karaniwang presyo ng mga alipin sa Ehipto.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share