Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Potipar
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • POTIPAR

      [mula sa Ehipsiyo, pinaikling anyo ng Potipera].

      Isang Ehipsiyong opisyal ng korte at pinuno ng tagapagbantay ni Paraon. Naging amo siya ni Jose nang ilang panahon at, lumilitaw na isang taong mayaman. (Gen 37:36; 39:4) Binili ni Potipar si Jose mula sa naglalakbay na mga mangangalakal na Midianita at, nang mapansin na isang mabuting lingkod si Jose, nang bandang huli ay inatasan niya ito na mamahala sa kaniyang buong bahay at bukid, na mga ari-ariang pinagpala ni Jehova dahil kay Jose.​—Gen 37:36; 39:1-6.

  • Potipar
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang titulo ni Potipar na “opisyal ng korte” ay salin ng salitang Hebreo na sa·risʹ, “bating,” na sa mas malawak na diwa ay nangangahulugang isang tagapangasiwa sa sambahayan, tauhan sa korte, o katiwalang opisyal ng trono. Ang “opisyal ng korte [sa·risʹ] na namamahala sa mga lalaking mandirigma” nang bumagsak ang Jerusalem noong 607 B.C.E. ay tiyak na isang mataas na opisyal ng pamahalaan, hindi isang taong kinapon na kulang ang pagkalalaki. (2Ha 25:19) Kaya, si Potipar ay isa ring taong militar, pinuno ng tagapagbantay, at isang taong may asawa, mga bagay na nagpapahiwatig na hindi siya isang bating sa mas karaniwang diwa nito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share