Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • bm seksiyon 1 p. 4
  • Gumawa ang Diyos ng Paraiso Para sa Tao

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gumawa ang Diyos ng Paraiso Para sa Tao
  • Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
  • Kaparehong Materyal
  • Sino ang Lumalang sa Iyo?
    Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman!
  • Layunin ng Diyos na ang Tao’y Maligayahan sa Buhay sa Paraiso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • May Matututuhan Tayo Mula sa Unang Mag-asawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Ano ang Buhay Noon sa Paraiso?
    Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
Iba Pa
Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
bm seksiyon 1 p. 4
Sina Adan at Eva sa hardin ng Eden na napalilibutan ng mga hayop

SEKSIYON 1

Gumawa ang Diyos ng Paraiso Para sa Tao

Nilalang ng Diyos ang uniberso at ang buhay sa lupa; lumalang siya ng sakdal na lalaki at babae, inilagay niya sila sa magandang halamanan, at binigyan ng mga utos na dapat sundin

Mga leon, ibon, at usa sa hardin ng Eden

“NANG pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.” (Genesis 1:1) Sinasabing ito ang pinakapopular na introduksiyong isinulat kailanman. Sa pamamagitan ng simple pero makahulugang pangungusap na ito, ipinakikilala sa atin ng Bibliya ang pinakamahalagang Persona sa buong Banal na Kasulatan​—ang Diyos na makapangyarihan-sa-lahat, si Jehova. Ipinakikita ng unang talata sa Bibliya na ang Diyos ang Maylalang ng napakalawak na uniberso, pati na ng planetang tinatahanan natin. Ipinaliliwanag naman ng sumunod na mga talata na sa loob ng sunud-sunod na mahahabang yugto ng panahon, na tinatawag na mga araw (hindi literal na araw na may 24 na oras), inihanda ng Diyos ang ating tahanang lupa, anupat ginawa niya ang lahat ng kahanga-hangang bagay sa ating daigdig.

Ang pinakadakilang nilalang ng Diyos sa lupa ay ang tao. Nilalang ito ayon sa larawan ng Diyos​—isa na may kakayahang magpakita ng mga katangian ni Jehova, gaya ng pag-ibig at karunungan. Ginawa ng Diyos ang tao mula sa alabok ng lupa. Tinawag siya ng Diyos sa pangalang Adan, at inilagay siya sa isang paraiso​—ang hardin ng Eden. Ang Diyos mismo ang gumawa ng halamanang iyon, na punô ng magaganda at mabubungang punungkahoy.

Nakita ng Diyos na makabubuti para sa lalaki na magkaroon ng kapareha. Mula sa isang tadyang ni Adan, gumawa ang Diyos ng isang babae at dinala ito sa lalaki bilang kaniyang asawa, na pagkaraan ay tinawag ng lalaki sa pangalang Eva. Sa tuwa ni Adan, naging makata siya sa pagsasabi: “Ito sa wakas ay buto ng aking mga buto at laman ng aking laman.” Sinabi ng Diyos: “Iyan ang dahilan kung bakit iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ang kaniyang ina at pipisan siya sa kaniyang asawa at sila ay magiging isang laman.”​—Genesis 2:22-24; 3:20.

Ang Diyos ay nagbigay ng dalawang utos kina Adan at Eva. Una, inutusan niya silang linangin at alagaan ang kanilang tahanang lupa at punuin ito ng kanilang mga anak. Ikalawa, pinagbawalan niya silang kumain ng bunga ng isang partikular na punungkahoy sa gitna ng napakalawak na halamanan, ang “punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.” (Genesis 2:17) Mamamatay sila kapag sumuway sila. Sa pamamagitan ng mga utos na ito, binigyan ng Diyos ang lalaki at babae ng pagkakataong maipakita na tinatanggap nila siya bilang kanilang Tagapamahala. Maipakikita nila ang kanilang pag-ibig at pagtanaw ng utang na loob kung susundin nila ang mga utos na ito. Wala silang dahilan para tanggihan ang kaniyang mabait na pamamahala. Walang kapintasan ang sakdal na mga taong ito. Sinasabi ng Bibliya: “Nakita ng Diyos ang bawat bagay na ginawa niya at, narito! iyon ay napakabuti.”​—Genesis 1:31.

​—Batay sa Genesis kabanata 1 at 2.

  • Paano inilarawan ng Bibliya ang paglalang sa mga tao at sa kanilang tahanang lupa?

  • Anong uri ng buhay ang ibinigay ng Diyos sa lalaki at babae?

  • Anong dalawang utos ang ibinigay ng Diyos sa unang mag-asawa?

ANG PANGALAN NG DIYOS

Sa Banal na Kasulatan, ang Diyos ay tinutukoy sa iba’t ibang titulo, gaya ng Maylalang at Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. May ilang titulong nagtatampok sa mga katangian ng Diyos, gaya ng kaniyang kabanalan, kapangyarihan, katarungan, karunungan, at pag-ibig. Pero binigyan din ng Diyos ang kaniyang sarili ng isang pantangi at personal na pangalan​—Jehova. Mga 7,000 ulit na lumitaw sa Bibliya, sa orihinal na mga wika nito, ang pangalan ng Diyos. Ang una ay sa Genesis 2:4. Ang ibig sabihin ng pangalang Jehova ay “Kaniyang Pinangyayaring Magkagayon.” Nakatutuwang malaman iyan, dahil nangangahulugan iyan na kayang tuparin ng Diyos ang lahat ng kaniyang layunin at pangako.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share