Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Ilong, Mga Butas ng Ilong”
  • Ilong, Mga Butas ng Ilong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ilong, Mga Butas ng Ilong
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Singsing na Pang-ilong
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ang Ating Maraming-gamit na Pangamoy
    Gumising!—1993
  • Ang Pang-amoy ng Aso
    May Nagdisenyo Ba Nito?
  • Apaim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Ilong, Mga Butas ng Ilong”

ILONG, MGA BUTAS NG ILONG

Ang bahagi ng mukha na dinaraanan ng hangin sa paghinga at nagsisilbing sangkap na pang-amoy.

Nang lalangin ng Diyos si Adan, “inihihip [Niya] sa mga butas ng kaniyang ilong ang hininga [isang anyo ng nesha·mahʹ] ng buhay, at ang tao ay naging isang kaluluwang buháy.” (Gen 2:7) Sa pamamagitan ng “hininga ng buhay,” ang mga baga ay napuno ng hangin at ang katawan ay nabigyan ng puwersa ng buhay na pinananatili ng paghinga. Ang hininga na pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng mga butas ng ilong ay mahalaga sa buhay; pinananatili nito ang puwersa ng buhay. Noong Baha, “ang lahat ng may hininga ng puwersa ng buhay sa mga butas ng kaniyang ilong, samakatuwid ay lahat ng nasa tuyong lupa, ay namatay.”​—Gen 7:22.

Ang salitang Hebreo para sa ilong o mga butas ng ilong (ʼaph) ay malimit gamitin upang tumukoy sa buong mukha. Hinatulan si Adan na maghanap ng ikabubuhay niya mula sa lupa ‘sa pawis ng kaniyang mukha [sa literal, “ilong” o “mga butas ng ilong”].’ (Gen 3:19) Sa harap ng dumadalaw na mga anghel, yumukod si Lot habang ang kaniyang mukha (ilong) ay nakaharap sa lupa.​—Gen 19:1.

Pagiging Sensitibo sa Amoy at Lasa. Ang dakong pang-amoy ay nasa bandang itaas ng nasal cavity, na kinaroroonan ng gabuhok na mga dulo ng mga olfactory nerve; masusumpungan din sa dakong ito ang pinong mga dulo ng trigeminal nerve. Napakatalas ng pang-amoy ng mga tao. Ayon sa isang artikulo sa Scientific American (Pebrero 1964, p. 42): “Maliwanag na ang pang-amoy ay isang kemikal na pandama, at kilalang-kilala ang pagiging sensitibo nito; para sa isang kimiko, ang kakayahan ng ilong na kumilatis ng pagkakaiba-iba at mga katangian ng mga substansiya ay halos hindi kapani-paniwala. Kinikilatis nito ang masalimuot na mga compound na maaaring mangailangan ng ilang buwan upang masuri ng isang kimiko sa laboratoryo; kaagad na nakikilala ng ilong ang mga ito, kahit na napakakaunti (kahit sampung ikamilyong bahagi lamang ng isang gramo) anupat kadalasan ay hindi na makilala ng pinakasensitibong makabagong instrumento sa laboratoryo ang substansiyang inaalam, gaano pa kaya ang suriin at uriin ang mga iyon.”

Mayroon ding malaking papel na ginagampanan ang ilong sa panlasa. May apat na pangunahing lasa: matamis, maalat, maasim, at mapait. Ang mga ito ay nakikilala ng mga taste bud sa bibig. Ngunit ang kalakhang bahagi ng lasa ng pagkain ay nananamnam dahil sa pang-amoy. Halimbawa, kapag barado ang ilong ng isang tao, mahihirapan siyang kilalanin ang pagkakaiba ng dalawang uri ng pagkain, dahil sa panahong iyon, karamihan ng pagkain ay matabang sa kaniyang panlasa.

Kagandahan. Palibhasa’y prominente ang lokasyon nito, ang matangos na ilong ay lubhang nakadaragdag sa kagandahan ng mukha. Sa Awit ni Solomon (7:4), ang paghahalintulad ng ilong ng babaing Shulamita sa “tore ng Lebanon” ay maaaring tumutukoy sa simetriya ng kaniyang ilong na nakadaragdag sa dignidad at kagandahan ng kaniyang mukha. Yamang ang mga saserdote ng Israel ay mga kinatawan ng Diyos sa harap ng bayan, kahilingan niya sa kanila na sila ay maging walang dungis, anupat ang isa sa mga kahilingan ay dapat na walang saserdote ang may hiwa o depekto sa ilong.​—Lev 21:18.

Makatalinghaga at Makasagisag na mga Paggamit. Ang salita para sa ilong o butas ng ilong (ʼaph) ay kadalasang ginagamit sa makasagisag na paraan para sa galit (dahil sa malakas na paghinga o pagsingasing ng isang taong nagngangalit). (Tingnan ang GALIT.) Ginagamit din ito may kaugnayan sa pagkilos ni Jehova dahil sa kaniyang galit (Aw 18:8, 15), o kapag ginagamit niya ang kaniyang makapangyarihang aktibong puwersa.​—Exo 14:21; 15:8.

Ang kasuklam-suklam na idolatriya na kinasadlakan ng Israel ay naging sanhi ng nag-aapoy na galit ni Jehova laban sa kanila, na ipinahayag niya sa pamamagitan ng propetang si Isaias, sa pagsasabi: “Ang mga ito ay usok sa mga butas ng aking ilong, isang apoy na nagniningas sa buong araw.”​—Isa 65:5.

Sinasabi ng Kawikaan 30:32, 33: “Kung ikaw ay kumilos nang may kahangalan sa pagtataas ng iyong sarili, at kung itinuon mo roon ang iyong kaisipan, ilagay mo ang kamay sa bibig. Sapagkat ang pagbabatí ng gatas ang naglalabas ng mantikilya, at ang pagpisil sa ilong ang nagpapalabas ng dugo, at ang pagpiga ng galit ang naglalabas ng pag-aaway.” Ipinakadiriin nito ang suliranin na maaaring likhain ng isa na nagsasalita nang may kamalian o nagkikimkim ng galit o naglalabas nito nang walang pagpipigil. Ang siniping teksto ay ginamitan ng magkatunog na mga salita, anupat ang “galit” ay doblihang anyo ng salita para sa “ilong.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share