Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Layunin ng Diyos na ang Tao’y Maligayahan sa Buhay sa Paraiso
    Ang Bantayan—1989 | Agosto 1
    • 9 “At nagpatuloy ang Diyos na Jehova na anyuan ang tao mula sa alabok ng lupa at hingahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay, at ang tao ay naging isang kaluluwang buháy. At, nagtanim ang Diyos na Jehova ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at inilagay niya roon ang taong kaniyang nilalang. At pinatubo ng Diyos na Jehova sa lupa ang lahat na punungkahoy na nakalulugod sa paningin at mabuting kanin at gayundin ang punungkahoy ng buhay sa gitna ng halamanan at ang punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama. At may isang ilog na lumalabas sa Eden na dumidilig sa halamanan, at mula roo’y nabahagi at, wika nga, nagkaapat na sanga.”​—Genesis 2:7-10.b

  • Layunin ng Diyos na ang Tao’y Maligayahan sa Buhay sa Paraiso
    Ang Bantayan—1989 | Agosto 1
    • b Si propeta Moises, na sumulat ng impormasyon sa aklat ng Genesis noong ika-16 na siglo bago ng ating Karaniwang Panahon, ay nagsusog ng sumusunod na impormasyon tungkol sa ilog na ito ng Eden, ayon sa kaalaman noong kaniyang kaarawan:

      “Ang pangalan ng una ay Pishon; na siyang lumiligid sa buong lupain ng Havilah, na doo’y may ginto. At ang ginto sa lupang yao’y mabuti. Mayroon din naman doong bodelyo at batong onyx. At ang pangalan ng ikalawang ilog ay Gihon; na siyang lumiligid sa buong lupain ng Cush. At ang pangalan ng ikatlong ilog ay Hiddekel; na siyang umaagos sa gawing silangan ng Asirya. At ang ikaapat na ilog ay ang Eufrates.”​—Genesis 2:11-14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share