Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Magandang Hinaharap ng Tao sa Paraiso ng Kaluguran
    Ang Bantayan—1989 | Agosto 1
    • 2 “At nilalang ng Diyos na Jehova sa lupa ang lahat ng maiilap na hayop sa parang at lahat ng ibon sa himpapawid, at kaniyang ipinagdadala sa lalaki upang maalaman kung ano ang itatawag niya sa bawat isa; at bawat itawag ng lalaki sa bawat kaluluwang buháy, iyon ang naging pangalan niyaon. Kaya pinanganlan ng lalaki ang lahat ng maaamong hayop at ang mga ibon sa himpapawid at bawat mailap na hayop sa parang.”​—Genesis 2:19, 20.

      3. Bakit hindi natatakot si Adan at ang mga hayop na nilalang?

      3 Ang itinawag ng tao sa kabayo ay sus, sa baka’y shohr, sa tupa’y seh, sa kambing ay ‛ez, sa isang ibon ay ‛ohph, sa kalapati’y yoh·nahʹ, sa maria kapra’y tuk·kiʹ, sa leon ay ’ar·yeh o ’ariʹ, sa oso’y dov, sa bakulaw ay qohph, sa aso’y keʹlev, sa ahas ay na·chashʹ, at iba pa.a Nang siya’y pumaroon sa ilog na umaagos sa halamanan ng Eden, siya’y nakakita ng isda. Sa isda’y ibinigay niya ang pangalang da·gahʹ. Ang walang armas na lalaki’y hindi nakaramdam ng takot sa mga hayop na ito, maaamo at maiilap, o sa mga ibon, at sila nama’y walang nadamang pagkatakot sa kaniya na kanilang katutubong kilalá bilang nakatataas sa kanila, isang mas mataas na uri ng buhay. Ang mga ito’y nilalang ng Diyos, na tumanggap ng kaloob na buhay sa Kaniya, at ang tao’y walang hangarin o hilig na saktan sila o patayin sila.

      4. Ano ang ating masasabi tungkol sa pagbibigay ni Adan ng pangalan sa lahat ng hayop at ibon, at tiyak na ito’y anong uri ng karanasan?

      4 Kung gaanong katagal ipinakita sa lalaki ang maaamo at maiilap na hayop at ang mga ibon sa himpapawid, iyan ang hindi sinasabi sa atin ng ulat. Lahat na iyon ay sa ilalim ng patnubay at ginawang kaayusan ng Diyos. Malamang na si Adan ay gumugol ng panahon upang pag-aralan ang bawat naiibang hayop, na pinag-aaralan ang kakanyahang mga ugali at sangkap niyaon; pagkatapos ay pipili siya ng pangalan na nababagay doon. Ito’y maaaring mangahulugan ng paglipas ng malaki-laking panahon. Iyon ay isang lubhang kawili-wiling karanasan para kay Adan na makilala ang buhay ng mga kinapal sa lupang ito sa maraming sarisaring uri, at nangailangan ng malaking kakayahan ng pag-iisip at ng pananalita upang makita niya ang pagkakaiba ng bawat isa sa mga uring ito ng nabubuhay na mga kinapal upang mabigyan ng nababagay na pangalan.

  • Ang Magandang Hinaharap ng Tao sa Paraiso ng Kaluguran
    Ang Bantayan—1989 | Agosto 1
    • 7 Para sa kagila-gilalas na ulat na iyan ng paglalang, kaipala’y malaki ang pasasalamat ni Adan. Ipinaliliwanag niyaon ang maraming bagay. Buhat sa paraan ng pagkaayos ng pananalita niyaon, kaniyang naunawaan na mayroong tatlong mahahabang yugto ng panahon na tinawag ng Diyos na mga araw ayon sa Kaniyang paraan ng pagsukat ng panahon, bago ng ikaapat na yugto ng paglalang na noon pinalitaw ng Diyos ang dalawang malalaking tanglaw sa kalawakan ng langit upang magsilbing tanda sa mas maikling 24-na-oras na araw ng tao. Ang mas maikling araw na ito ng tao sa lupa ay ang panahon mula sa paglubog ng lalong malaking tanglaw hanggang sa susunod na paglubog. Nakilala rin ni Adan na magkakaroon ng mga taon ng panahon para sa kaniya, at walang alinlangan na kaagad sinimulan niyang bilangin ang mga taon ng kaniyang buhay. Ang lalong malaking tanglaw sa kalawakan ng langit ang tutulong sa kaniya na gawin ito. Subalit kung tungkol sa mas mahahabang araw ng paglalang na ginawa ng Diyos, natalos ng unang tao na noon ay nabubuhay siya sa ikaanim na araw ng makalupang gawain ng Diyos na paglalang. Walang binanggit sa kaniya na katapusan tungkol sa ikaanim na araw na iyon para sa paglalang sa lahat ng mga hayop na iyon sa lupa at pagkatapos sa paglalang sa tao nang bukod. Ngayon ay nauunawaan niya ang pagkakasunud-sunod ng paglalang sa mga halaman, mga isda, mga ibon, at mga hayop sa lupa. Ngunit sa pag-iisa sa halamanan ng Eden, si Adan ay hindi siyang lubos, na hustong kapahayagan ng maibiging layunin ng Diyos para sa tao sa kaniyang makalupang Paraiso.

      Paglalang sa Unang Babae

      8, 9. (a) Ano ang napansin ng sakdal na tao tungkol sa mga nilalang na hayop, subalit ano ba ang kaniyang naisip kung tungkol sa kaniyang sarili? (b) Bakit angkop naman na ang sakdal na tao’y hindi humingi sa Diyos ng isang kapareha? (c) Papaano nag-uulat ang Bibliya tungkol sa paglalang sa unang asawang babae?

      8 Ang unang tao, sa taglay niyang sakdal na isip at mga sangkap sa pagmamasid ay nagmasid sa dakong kinaroroonan ng mga ibon at ng mga hayop, at kaniyang nakita na mayroon sa kanila na lalaki at babae at sila’y nakapag-aanak ng mga kauri rin nila. Subalit sa tao, noon ay hindi gayon. Kung sakaling ang ganitong namasdan niya ay nagpasok sa kaniyang kaisipan ng pagnanasang magkaroon ng isang kasama, sa mga hayop ay wala siyang nakitang isang nababagay na maging kasama niya, kahit na roon sa mga bakulaw. Si Adan ay mag-iisip na wala siyang makakapareha sapagkat kung mayroon nga, hindi kaya dadalhin sa kaniya ng Diyos ang kaparehang ito? Ang tao ay nilalang na hiwalay sa lahat ng mga uring iyon ng hayop, at siya’y itinakdang maging naiiba! Siya’y walang hilig na magpasiya ng mga bagay-bagay para sa kaniyang sarili at maging pangahas at humingi sa Diyos na kaniyang Maylikha ng isang kapareha. Angkop naman na hinayaan ng sakdal na tao na ipabahala sa Diyos ang buong suliraning iyon, sapagkat hindi nagtagal at nakita niyang gumawa ang Diyos ng Kaniyang sariling pasiya tungkol sa bagay na iyon. Tungkol dito at sa naganap ngayon, ang ulat ay nagsasabi sa atin:

      9 “Datapuwat sa lalaki ay walang nasumpungang maging katulong bilang kabiyak niya. At pinatulog ng Diyos na Jehova nang mahimbing ang lalaki at, habang natutulog, kinuha niya ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinaghilom ang laman sa dakong iyon. At ang tadyang na kinuha ng Diyos na Jehova sa lalaki ay ginawang babae at dinala siya sa lalaki. Saka sinabi ng lalaki: ‘Ito sa wakas ay buto ng aking mga buto at laman ng aking laman. Tatawagin itong Babae, sapagkat sa lalaki kinuha ito.’ Kaya’t iiwan ng lalaki ang ama niya at ang ina niya at pipisan sa kaniyang asawa at sila’y magiging isang laman. At kapuwa sila nagpatuloy na hubad, ang lalaki at ang kaniyang asawa, gayunman sila ay hindi nagkakahiyaan.”​—Genesis 2:20-25.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share