Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 58
  • Ipinagbabawal ba ng Bibliya ang Seksuwal na Kaluguran?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipinagbabawal ba ng Bibliya ang Seksuwal na Kaluguran?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pag-aasawa?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Katapatan sa Asawa—Ano ba Talaga ang Kahulugan Nito?
    Gumising!—2009
  • Pagtatalik Nang Di-kasal
    Gumising!—2013
  • Gawing Panghabang-Panahong Pagsasama ang Inyong Pag-aasawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 58

Ipinagbabawal ba ng Bibliya ang Seksuwal na Kaluguran?

Ang sagot ng Bibliya

Sa halip na ipagbawal ang seksuwal na kaluguran, sinasabi ng Bibliya na ito ay kaloob ng Diyos sa mga mag-asawa. Nilalang niya ang tao na “lalaki at babae,” at nakita niyang “napakabuti” ng ginawa niya. (Genesis 1:27, 31) Nang ikasal niya ang unang lalaki at babae, sinabi niya na “sila ay magiging isang laman.” (Genesis 2:24) Kasama sa buklod na ito ang seksuwal na kaluguran at malapít na emosyonal na ugnayan.

Inilalarawan ng Bibliya ang kaluguran na nadarama ng mga asawang lalaki sa pananalitang ito: “Magsaya ka sa asawa ng iyong kabataan . . . Magpakalango ka sa kaniyang mga dibdib sa lahat ng panahon. Sa kaniyang pag-ibig ay lagi ka nawang magtamasa ng masidhing ligaya.” (Kawikaan 5:18, 19) Nilayon din ng Diyos na masiyahan ang mga asawang babae sa pagtatalik. Sinasabi ng Bibliya: “Dapat sapatan ng mag-asawa ang seksuwal na pangangailangan ng isa’t isa.”—1 Corinto 7:3, God’s Word Bible.

Limitasyon sa seksuwal na kaluguran

Para sa mga mag-asawa lamang ang pagtatalik, gaya ng sinasabi sa Hebreo 13:4: “Maging marangal nawa ang pag-aasawa sa gitna ng lahat, at maging walang dungis ang higaang pangmag-asawa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya.” Ang mga mag-asawa ay dapat manatiling tapat sa isa’t isa at sa kanilang sinumpaang pangako. Nasisiyahan sila, hindi sa paghahanap ng pansariling kaluguran, kundi sa pagsunod sa simulain ng Bibliya: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.”—Gawa 20:35.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share