MATUSALEM
[posible, Tao ng Suligi].
Anak ng tapat na propetang si Enoc; ama ni Lamec at lolo ni Noe. (Gen 5:21-29; 1Cr 1:1-4; Jud 14, 15) Bilang inapo ni Adan sa pamamagitan ni Set, si Matusalem ay kabilang sa ikawalong salinlahi ng tao. (Luc 3:37, 38) Ang haba ng kaniyang buhay ay umabot nang 969 na taon, ang pinakamahaba sa ulat ng Bibliya, at ito ay naging bukambibig dahil sa kahabaan. Namatay siya noong 2370 B.C.E., ang taon kung kailan nagsimula ang Baha. Sinasabi ng Kasulatan na si Matusalem ay “namatay,” ngunit hindi siya nasawi sa Delubyo bilang resulta ng paglalapat ng Diyos ng hatol.—Gen 5:27; tingnan ang HABA NG BUHAY.