Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • May Nakakita Na Ba sa Diyos?
    Ang Bantayan—1988 | Mayo 15
    • Nang makipag-usap si Moises sa Diyos “nang mukhaan,” gaya ng sinasabi sa Exodo 33:11, hindi niya nakita si Jehova. Ipinakikita ng pangungusap na ito ang paraan na ginamit nang makipag-usap si Moises sa Diyos, hindi ang kaniyang nakita. Ang pakikipag-usap sa Diyos “nang mukhaan” ay nagpapakita ng isang dalawahang-paraan ng pakikipag-usap. Gayundin, ang isang indibiduwal ay maaaring makapagsagawa ng isang dalawahang-paraan ng pakikipag-usap sa pamamagitan ng telepono nang hindi nakikita yaong kaniyang kausap.

      Nang makipag-usap si Moises sa Diyos at tumanggap ng mga tagubilin sa kaniya ang pakikipag-usap ay hindi idinaan sa pamamagitan ng mga pangitain, gaya ng malimit na ginagamit sa pakikipagtalastasan sa mga ibang propeta. Ito’y binabanggit sa Bilang 12:6-8, na kung saan ating mababasa: “At nagpatuloy siya na nagsabi: ‘Dinggin ninyo ang aking mga salita, pakisuyo. Kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta ni Jehova, pakikilala ako sa kaniya sa pangitain. Kakausapin ko siya sa panaginip. Hindi gayon sa aking lingkod na si Moises! Sa kaniya’y ipinagkakatiwala ang aking buong sambahayan. Sa kaniya’y nakikipag-usap ako ng bibig sa bibig, ng maliwanag at hindi sa malabo; at ang anyo ni Jehova ang kaniyang nakikita.’” Sa anong diwa nakita ni Moises “ang anyo ni Jehova”?

  • May Nakakita Na Ba sa Diyos?
    Ang Bantayan—1988 | Mayo 15
    • Na aktuwal na nakipag-usap si Moises sa isang anghel na personal na kinatawan ng Diyos ay ipinakikita rin sa Gawa 7:38, na nagsasabi: “Ito yaong naroon sa kongregasyon sa iláng na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa Bundok ng Sinai at kasama ang ating mga ninuno.” Ang anghel na iyon ay siyang personal na tagapagsalita para sa Diyos na Jehova, ang Maylikha, kaya’t siya’y nakipag-usap kay Moises na para bang ang Diyos mismo ang nagsasalita.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share