-
Arnon, Agusang Libis ngKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang pagkalaki-laking lambak na ito, na may lapad na mga 3 km (2 mi) sa bandang itaas at may lalim na halos 520 m (1,700 piye), ay binabagtas ng ilang daanan lamang (Isa 16:2) kung kaya ito’y naging isang likas na hangganan. Noong panahon ng pananakop ng Israel, ito ay nagsilbing harang sa pagitan ng mga Amorita sa H at ng mga Moabita sa T (Bil 21:13), ngunit ipinakikita ng mensahe ni Jepte sa mga Ammonita na ang hilagang panig ay dating kontrolado ng mga Ammonita at na sinalakay ito ng mga Amorita bago dumating ang Israel. (Huk 11:12-27) Matapos lumigid ang Israel sa teritoryo ng Moab, nakarating sila sa Arnon, malamang na malapit sa pinagmumulan ng tubig nito. Nang salakayin sila ng Amoritang hari na si Sihon, nagtagumpay ang Israel laban sa kaniya at inari nila ang lupain mula sa Arnon hanggang sa Jabok. (Bil 21:21-24; Deu 2:24-36; tingnan ang JABOK, AGUSANG LIBIS NG.) Pagkatapos nito, ang unang nasakop na lupaing iyon ay naging teritoryo ng mga tribo nina Ruben at Gad.—Deu 3:16; Jos 12:1, 2; 13:8, 9, 15-28.
-