Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Hinihiling sa Atin ni Jehova?
    Ang Bantayan—2009 | Oktubre 1
    • Ano ang Hinihiling sa Atin ni Jehova?

      Deuteronomio 10:12, 13

      SUSUNOD ba tayo o susuway? Hindi laging madali ang magdesisyon. Ang mga tao ay napipilitan lamang sumunod sa isang marahas o mapaghanap na amo. Gayunman, ang mga mananamba ng Diyos na Jehova ay kusang sumusunod sa kaniya. Bakit? Upang masagot iyan, suriin natin ang mga salita ni Moises sa Deuteronomio 10:12, 13.a

      Nang binubuod ang mga kahilingan ng Diyos, itinanong ni Moises: “Ano ang hinihiling sa iyo ni Jehova na iyong Diyos?” (Talata 12) May karapatan ang Diyos na hilingin sa atin ang anumang gusto niya. Tutal, siya ang Soberanong Panginoon at Bukal at Tagatustos ng buhay. (Awit 36:9; Isaias 33:22) Kaya nararapat lamang na sundin natin si Jehova. Pero hindi niya tayo pinipilit na gawin iyon. Ano ang hinihiling niya sa atin? Hinihiling niya na tayo’y maging ‘masunurin mula sa puso.’​—Roma 6:17.

      Ano ang dapat mag-udyok sa atin na kusang sumunod sa Diyos? Binanggit ni Moises ang isang punto. Sinabi niya: “Matakot kay Jehova na iyong Diyos.”b (Talata 12) Hindi ito labis na pagkatakot sa maaaring maging parusa ng hindi pagsunod sa Diyos. Sa halip, ito ay may-pagpipitagang pagkatakot sa kaniya, anupat gusto natin siyang mapalugdan.

      Ano naman ang dapat maging pangunahing motibo natin sa pagsunod sa Diyos? Sinabi ni Moises: “Ibigin siya [si Jehova] at paglingkuran si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa.” (Talata 12) Ang pag-ibig sa Diyos ay hindi lamang damdamin. Ipinaliwanag ng isang reperensiya: “Ang mga pandiwang Hebreo para sa damdamin ay maaari ding tumukoy kung minsan sa damdaming may kalakip na pagkilos.” Kaya kung talagang mahal natin ang Diyos, kikilos tayo sa paraang nakalulugod sa kaniya.​—Kawikaan 27:11.

      May limitasyon ba ang ating pagsunod sa Diyos? Sinabi ni Moises: “Lumakad sa lahat ng . . . mga daan [ng Diyos].” (Talata 12) Nais ni Jehova na gawin natin ang lahat ng hinihiling niya. Makasasamâ ba sa atin ang lubusang pagsunod sa Diyos? Hinding-hindi.

  • Ano ang Hinihiling sa Atin ni Jehova?
    Ang Bantayan—2009 | Oktubre 1
    • a Bagaman ang mga sinabi ni Moises ay kapit sa sinaunang Israel, kapit pa rin ito sa mga nagnanais sumunod sa Diyos ngayon.​—Roma 15:4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share