Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sem
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bagaman ang tatlong anak na ito ay laging nakatala bilang “Sem, Ham at Japet,” hindi pa rin matiyak ang pagkakasunud-sunod nila ayon sa edad. Kahit si Sem ang unang binabanggit, hindi iyon tiyakang nagpapahiwatig na si Sem nga ang panganay ni Noe, yamang mismong ang panganay na anak ni Sem (si Arpacsad) ay nakatala bilang ikatlo sa mga rekord ng talaangkanan. (Gen 10:22; 1Cr 1:17) Sa orihinal na Hebreo, ang Genesis 10:21 ay maaaring isalin sa ilang paraan, anupat sa ilang salin ay tinutukoy si Sem bilang “kapatid ni Japet na pinakamatanda [“nakatatanda,” KJ],” samantalang sa iba naman ay tinatawag siyang “nakatatandang [“mas matandang,” AT] kapatid ni Japet.” (AS, Dy, RS, JB, Ro) Magkakaiba rin ang salin ng sinaunang mga bersiyon​—sa Septuagint, sa salin ni Symmachus, at sa Targum ni Onkelos ay ipinakikitang si Japet ang mas matanda, samantalang sa Samaritanong Pentateuch, sa Latin na Vulgate, at sa mga bersiyong Syriac ay ipinakikilala si Sem bilang ang nakatatandang kapatid ni Japet. Gayunman, ipinahihiwatig ng katibayang masusumpungan sa iba pang bahagi ng Bibliya na malamang na si Sem ang ikalawang anak ni Noe, anupat nakababata kay Japet.

  • Sem
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kasunod ng kapanganakan ni Arpacsad, ipinanganak kay Sem ang iba pang mga anak na lalaki (at mga anak na babae), kabilang na sina Elam, Asur, Lud, at Aram. (Gen 10:22; 11:11) Kasunod ni Aram, itinala rin ng katulad na ulat sa 1 Cronica 1:17 sina “Uz at Hul at Geter at Mas,” ngunit sa Genesis 10:23 ay ipinakitang ang mga ito ay mga anak ni Aram. Ipinakikita ng Bibliya at ng iba pang katibayan ng kasaysayan na si Sem ang pinagmulan ng mga taong Semitiko: mga Elamita, mga Asiryano, sinaunang mga Caldeo, mga Hebreo, mga Arameano (o mga Siryano), iba’t ibang tribong Arabe, at marahil ng mga Lydiano ng Asia Minor. Mangangahulugan ito na ang karamihan ng populasyong nagmula kay Sem ay nanirahan sa timog-kanlurang sulok ng kontinente ng Asia, umabot sa kalakhang bahagi ng Fertile Crescent at sumaklaw sa malaking bahagi ng Peninsula ng Arabia.​—Tingnan ang mga artikulo sa ilalim ng mga pangalan ng indibiduwal na mga anak ni Sem.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share