-
HiramKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
2. Ang dalubhasang artisano na gumawa ng marami sa mga kagamitan sa templo ni Solomon. Ang kaniyang ama ay taga-Tiro, ngunit ang kaniyang ina ay isang balo “mula sa tribo ni Neptali” (1Ha 7:13, 14) “mula sa mga anak ni Dan.” (2Cr 2:13, 14) Ang waring pagkakaibang ito ay malulutas sa ganang sarili nito kung mamalasin natin, gaya ng ginagawa ng ilang iskolar, na ang kaniyang ina ay ipinanganak mula sa tribo ni Dan, nabalo sa unang asawa na mula sa tribo ni Neptali, at pagkatapos ay muling nag-asawa ng isang taga-Tiro.
Isinugo ni Hiram, na hari ng Tiro (Blg. 1), ang Hiram na ito upang mangasiwa sa pantanging konstruksiyon para kay Solomon dahil sa kaniyang kakayahan at karanasan sa paggawa sa mga materyales gaya ng ginto, pilak, tanso, bakal, bato, at kahoy. Si Hiram ay may pambihira ring kadalubhasaan sa pagtitina, paglililok, at pagdidisenyo ng lahat ng uri ng kagamitan. Walang alinlangang mula sa pagkabata ay tinanggap niya ang ilan sa kaniyang teknikal na kasanayan sa sining pang-industriya ng panahong iyon mula sa kaniyang amang taga-Tiro, na isa ring mahusay na manggagawa sa tanso.—1Ha 7:13-45; 2Cr 2:13, 14; 4:11-16.
Lumilitaw na tinutukoy ng hari ng Tiro ang lalaking ito bilang Hiram-abi, na waring isang katawagang literal na nangangahulugang “Si Hiram na Aking Ama.” (2Cr 2:13) Hindi naman ibig sabihin dito ng hari na si Hiram ang literal niyang ama, kundi marahil ay ito ang “tagapayo” o “dalubhasang manggagawa” ng hari. Sa katulad na paraan, ang pananalitang Hiram-abiv (sa literal, “Si Hiram na Kaniyang Ama”) ay waring nangangahulugang ‘Si Hiram ang kaniyang (samakatuwid nga, ng hari) dalubhasang manggagawa.’—2Cr 4:16.
-
-
Hiram-abiKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
HIRAM-ABI
[Si Hiram na Aking Ama].
Isang katawagang ikinapit sa “lalaking dalubhasa” na isinugo ng hari ng Tiro upang gumawa ng mga kagamitan ng templo ni Solomon. Maliwanag na ipinahihiwatig nito na si Hiram ay “ama” sa diwa ng pagiging isang dalubhasang manggagawa.—2Cr 2:13; tingnan ang HIRAM Blg. 2.
-