Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Langaw na Nangangagat”
  • Langaw na Nangangagat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Langaw na Nangangagat
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Ang 10 Salot
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Langaw
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Sino Si Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Ang Sumunod na Anim na Salot
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Langaw na Nangangagat”

LANGAW NA NANGANGAGAT

[sa Heb., ʽa·rovʹ; sa Ingles, gadfly].

Hindi matiyak kung aling insekto ang tinutukoy ng orihinal na salitang Hebreo na binanggit ng Kasulatan may kinalaman sa ikaapat na salot sa Ehipto. Sa salot na ito unang pinaligtas ang mga Israelita sa Gosen. (Exo 8:21, 22, 24, 29, 31; Aw 78:45; 105:31) Ang ʽa·rovʹ ay isinalin sa iba’t ibang paraan bilang “langaw na nangangagat” (JB, NW, Ro), “uwang” (Yg ), “mga langaw” (AS, KJ, RS⁠), “mga niknik” (AT⁠), at “dog fly” (LXX⁠).

Kasama sa katawagang Ingles na “gadfly” ang iba’t ibang uri ng mga horsefly at botfly. Tinutusok ng mga babaing horsefly ang balat ng mga hayop at ng tao at pagkatapos ay sinisipsip nila ang dugo ng mga iyon. Habang nasa yugtong larva, ang mga botfly ay tumitira bilang mga parasito sa mga katawan ng hayop at ng tao. Yaong mga namumugad sa mga tao ay matatagpuan sa mga tropiko. Kaya naman, nagdulot ng matinding paghihirap sa mga Ehipsiyo at sa kanilang mga alagang hayop ang salot ng mga langaw na nangangagat, at sa ilang mga kaso ay ikinamatay pa nga nila ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share