MUT-LABEN
Isang pananalitang kasama sa superskripsiyon ng isa sa mga awit ni David (Aw 9), na ayon sa tradisyon ay nangangahulugang “[tungkol sa] pagkamatay ng anak na lalaki.” Iminumungkahi ng ilang komentarista na ipinahihiwatig nito sa tagapangasiwa ng musika ang pangalan o marahil ang pambungad na mga salita ng isang pamilyar na awit na ang melodya ay gagamitin sa pag-awit sa salmong ito. Isang posibleng kahulugan ng salitang ito ang ibinibigay ng Targum, kung saan ang superskripsiyon ng Awit 9 ay kababasahan: “Sa pagkamatay ng lalaking humayo mula sa pagitan ng mga kampo,” anupat tumutukoy sa isang tagapagtanggol. Maliwanag na ang tinutukoy rito ay si Goliat, ang Filisteong tagapagtanggol na tinalo ni David sa pagbabaka sa pagitan ng mga kampamento ng mga Israelita at ng mga Filisteo.—1Sa 17:45-51.