Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 8/15 p. 29
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Blood Fractions at mga Pamamaraan sa Pag-oopera
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 8/15 p. 29

Natatandaan Mo Ba?

Nasiyahan ka ba sa pagbabasa sa kamakailang mga labas ng Ang Bantayan? Bueno, tingnan mo kung masasagot mo ang sumusunod na mga tanong:

◻ Yamang ang masuwaying mga anghel ay ipinadala sa Tartaro, ano ba ang kahulugan nito para sa kanila? (2 Pedro 2:4)

Sila’y wala nang dako sa banal na organisasyon ni Jehova at ngayon ay naputol na sila buhat sa liwanag na nanggagaling sa Diyos. Gayunman, sila’y kumikilos pa rin sa ilalim ng direksiyon ni Satanas at nagpapatuloy pa sa malapitang kaugnayan sa mga tao, nagsisikap na kanilang masupil ang mga lalaki, mga babae, at maging ang mga bata. (Apocalipsis 12:12, 17)​—4/15, pahina 14.

◻ Bakit kailangan na “mapoot sa masama” sa paningin ni Jehova? (Awit 97:10)

Ang mga napopoot sa masama ay hindi hahanap ng mga paraan upang mahulog sa paggawa ng masama. Sa kabilang dako, ang mga taong hindi napopoot dito ay maaaring umiiwas dito sa pisikal na paraan samantalang sa kanilang kaisipan ay naghahangad sila na makibahagi sa masasamang bagay.​—4/15, pahina 21.

◻ Sa ilustrasyon ni Jesus ng mga talento, anong mahalagang aral ang ibinibigay para sa lahat ng nag-aangking mga tagasunod ni Kristo? (Mateo 25:14-30)

Sila’y kailangang gumawa upang mapalago ang mga ari-arian ng kanilang makalangit na Panginoon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang lubos na bahagi sa gawaing pangangaral. Sa ganiyan lamang matitiyak nila na sila’y tatanggap ng papuri kay Jesus at gagantimpalaan. Sa ganito’y iniiwasan nila na sila’y mapahagis sa kadiliman sa labas at sa wakas ay mapuksa.​—5/1, pahina 9.

◻ Ano ba ang ibig sabihin ni Jesus nang kaniyang sabihin sa kaniyang mga alagad na manalanging: “Huwag mo kaming dalhin sa tukso”? (Mateo 6:13)

Ang mga salitang ito ay hindi dapat ipangahulugan na tayo’y tinutukso ni Jehova upang magkasala. Sa halip tayo, sa katunayan, ay makahihiling kay Jehova na huwag tayong pahintulutang padala sa tukso pagka tayo’y tinutukso o ginigipit na sumuway sa kaniya. Maidadalangin natin sa ating Ama na tayo’y akayin upang tayo’y huwag madaig ng tukso na lubhang napakabigat na paglabanan natin. (1 Corinto 10:13)​—5/15, pahina 19.

◻ Tumpak ba para sa isang Kristiyano na magpainiksiyon ng isang maliit na bahagi ng dugo, tulad halimbawa ng immune globulin o albumin?

Sa pagsunod sa kautusan ng Diyos, ang mga Kristiyano ay hindi nagpapasalin ng dugo ng mga pangunahing sangkap ng dugo​—plasma, pulang selula, puting selula, o mga platelets. Gayunman, ang budhi ng mga ibang Saksi ni Jehova ay nagpapahintulot sa kanila na painiksiyon ng isa sa maliliit na sangkap na protina ng plasma. Kapana-panabik malaman, ang kaunting bahagi ng mga protinang ito ay natural na napapalipat mula sa agos ng dugo ng isang babaing nagbubuntis tungo sa hiwalay na sirkulasyon ng dugo ng kaniyang ipinagbubuntis na sanggol.​—6/1, pahina 30, 31.

◻Ano ba ang layunin ng paghuhugas ni Jesus ng mga paa ng mga alagad noong huling ginanap na Paskuwa?

Ang kaniyang mga alagad ay tinuturuan ni Jesus ng isang aral sa kababaang-loob. Walang sinuman na dapat maghangad ng pang-unang dako, sa pag-aakala na siya’y mahalaga. Bagkus, lahat ay dapat sumunod sa halimbawa ni Jesus at kusang maglingkod sa isa’t isa na walang itinatangi, gaano mang kababa o aba ang gawaing dapat niyang gawin. (Juan 13:12-17)​—6/15, pahina 9.

◻ Sa anong diwa ‘maingat na sinuri’ ng mga Judio sa Berea ang Kasulatan? (Gawa 17:11)

Hindi sapagkat ang mga taga-Berea ay nag-aalinlangan kay Pablo at sa mensahe na kaniyang dinala sa kanila, kundi sila’y nagsaliksik upang patunayan na si Jesus ang Mesiyas. Marami sa kanila ang nagsisampalataya, kaya ipinakikita na tunay ang kanilang motibo. (Gawa 17:12)​—6/15, pahina 18.

◻ Ano ba “ang aklat ng Mga Digmaan ni Jehova”? (Bilang 21:14)

Ito ay isang mapanghahawakang kasaysayan ng mga digmaan ng Diyos alang-alang sa kaniyang bayan. Marahil ito’y nagsimula sa tagumpay ni Abraham laban sa armadong mga manlulusob ng Lupang Pangako na nasusulat sa Genesis kabanata 14. Ang dakilang pagwawakas ng aklat ay magaganap sa “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat” sa Har–​Magedon. (Apocalipsis 16:14, 16)​—7/1, pahina 20, 22.

◻ Papaanong ang Salita ng Diyos, ang Bibliya, ay tumutulong sa atin na magbata ng dalamhati?

Sinasabi sa atin ng Bibliya kung bakit pinayagan ni Jehova ang pagdadalamhati, at ito’y nagbibigay din ng katiyakan sa atin na malapit nang maparam ang dalamhati. (Roma 5:12; Apocalipsis 21:1-5)​—7/15, pahina 4, 5.

◻ Papaanong ang bayan ng Diyos sa ngayon ay “gaya ng mga salamin na nagpapasikat ng kaluwalhatian ni Jehova”? (2 Corinto 3:18)

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay sumisikat sa pamamagitan ng “maluwalhating mabuting balita tungkol sa Kristo, na siyang larawan ng Diyos.” Pinasisikat ng mga Saksi ni Jehova ang kaluwalhatiang ito sa pamamagitan ng pagsasalita tungkol sa kaluwalhatian ni Jehova at sa kaluwalhatian ng kaniyang Kaharian sa pamamagitan ng kaniyang Anak. (2 Corinto 4:4-6)​—7/15, pahina 15, 16.

◻ Kailan dapat mabautismuhan ang isang tao?

Ang bautismo ay isang hakbang na kailangang gawin pagka ang isa’y nakagawa ng isang ganap, walang-pasubali, at walang-kondisyong pag-aalay kay Jehova sa pamamagitan ni Kristo Jesus na gawin ang kalooban ng Diyos.​—8/1, pahina 14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share