Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ‘Maliban na si Jehova ang Nagtatayo ng Bahay . . .’
    Ang Bantayan—1989 | Oktubre 1
    • Gayunman, ang tagumpay sa pagpapagal bukod sa mga proyekto ng literal na pagtatayo ng mga gusali ay depende rin sa pagpapala ni Jehova. Isaalang-alang ang mga salita ni Solomon sa ikatlong talata ng Awit 127: “Narito! Ang mga anak ay mana mula kay Jehova; ang bunga ng bahay-bata ay isang gantimpala.” Si Jehova ay isa ring Tagapagtayo na walang katulad kung tungkol sa mga pamilya, at ang mga magulang ay may kahanga-hangang pribilehiyo na maging kaniyang mga kamanggagawa, o mga kasamahan sa paggawa.a (Hebreo 11:10) Papaano masasamantala ng mga magulang na Kristiyano ang pinagpalang pagsasamang ito at matagumpay na makapagtayo ng isang maligaya, mapayapang pamilya, na nagdadala ng karangalan sa Maylikha, si Jehova?

  • ‘Maliban na si Jehova ang Nagtatayo ng Bahay . . .’
    Ang Bantayan—1989 | Oktubre 1
    • a Sa aktuwal, ang mga salitang Hebreo para sa “mga nagsisipagtayo” (Aw 127 talatang 1) at “mga anak” (Aw 127 talatang 3) ay kapuwa inaakalang galing sa ugat na nangangahulugang “magtayo.” Isa pa, sa Hebreo ang salitang “bahay” ay maaaring tumukoy alinman sa isang “tirahang dako” o isang “pamilya.” (2 Samuel 7:11, 16; Mikas 1:5) Samakatuwid, ang pagtatayo ng isang bahay ay kaugnay ng pagtatayo ng isang pamilya. Ang pagpapala ni Jehova ay kailangan sa dalawang bagay na iyan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share