Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 3/12 p. 7-9
  • Kung Paano Kokontrolin ang Galit

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Kokontrolin ang Galit
  • Gumising!—2012
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Iwasan Mo ang Galit”
  • Bawasan ang Tindi ng Galit
  • Matutong Kalmahin ang Sarili
  • Maging Makatuwiran sa Iyong Inaasahan
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Galit?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Lagi bang Masama ang Magalit?
    Gumising!—1994
  • Ang Galit—Ano Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Galit
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Gumising!—2012
g 3/12 p. 7-9

Kung Paano Kokontrolin ang Galit

MAHIGIT 2,000 taon na ang nakalilipas, ginamit ng Griegong pilosopo na si Aristotle ang terminong “katarsis” para ilarawan ang “paglilinis” o pag-aalis ng tensiyon sa pamamagitan ng panonood ng isang dulang trahedya. Ipinapalagay na kapag naalis ang tensiyon, giginhawa na ang kalooban ng isa.

Noong pasimula ng nagdaang siglo, itinaguyod ng Austrianong neurologo na si Sigmund Freud ang gayunding ideya. Sinabi niya na kung kikimkimin o pipigilan ng mga tao ang kanilang negatibong emosyon, mauuwi ito sa sakit sa isip, gaya ng hysteria. Kaya naman inirekomenda ni Freud na dapat mong ilabas ang galit sa halip na pigilan ito.

Noong mga dekada ’70 at ’80, pinag-aralan ng mga mananaliksik ang teoriya ng katarsis pero ang natuklasan nilang ebidensiya kamakailan para dito ay kakaunti, o wala pa nga. Dahil dito, sumulat ang sikologong si Carol Tavris: “Panahon na para permanenteng ibasura ang teoriya ng katarsis. Ang ideya na napapawi ang negatibong damdamin dahil sa panonood ng karahasan (o ‘paglalabas nito’) ay hindi naman napatunayan ng pagsasaliksik.”

Isa pang sikologo, si Gary Hankins, ang nagsabi: “Ipinakikita ng pagsasaliksik na ang ‘paglalabas’ ng galit para maibsan ang tensiyon ay kadalasan nang mas nagpapaigting ng iyong damdamin.” Totoo, ang mga eksperto sa kalusugan ng isip ay may iba-ibang pananaw tungkol sa katarsis. Gayunman, maraming tao ang natulungan ng isa pang pinagmumulan ng karunungan, ang Bibliya.

“Iwasan Mo ang Galit”

Ang ideya ng pagkontrol sa galit ay ipinahayag ng salmistang si David sa ganitong magandang pananalita: “Iwasan mo ang galit at iwanan mo ang pagngangalit; huwag kang mag-init na hahantong lamang sa paggawa ng masama.” (Awit 37:8) Para hindi ka makapagsabi o makagawa ng isang bagay na pagsisisihan mo sa bandang huli, makabubuting iwasan mong “mag-init.” Siyempre pa, madaling sabihin iyan pero mahirap gawin. Pero posibleng gawin! Talakayin natin ang tatlong bagay na magagawa mo para makontrol ang iyong galit.

Bawasan ang Tindi ng Galit

Para mabawasan ang galit mo, huminga nang malalim at kalmahin ang sarili. Iwasang sabihin ang unang bagay na sumagi sa isip mo. Kung nadarama mo na parang sasabog na ang dibdib mo at parang hindi ka na makapagpigil, sundin ang payo ng Bibliya: “Ang pasimula ng pagtatalo ay gaya ng isang nagpapakawala ng tubig; kaya bago sumiklab ang away, umalis ka na.”​—Kawikaan 17:14.

Iyan ang nakatulong kay Jack para makontrol ang pagiging magagalitin niya. Ang tatay ni Jack ay lasenggo at magagalitin kaya lumaki rin siyang hindi marunong magpigil ng galit. Sinabi niya: “Parang kumukulo ang dugo ko kapag nagagalit ako. At nagmumura ako at nananakit.”

Pero nagbago ang kalagayan nang si Jack ay makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Natutuhan niya na sa tulong ng Diyos, maaari siyang magbago at matutong magkontrol ng galit. At talagang nagbago siya! Ikinuwento ni Jack ang nangyari nang murahin siya ng isang galít na katrabaho: “Para akong sasabog sa galit. Ang unang reaksiyon ko ay sunggaban siya at gulpihin.”

Ano ang nakatulong kay Jack na manatiling kalmado? Sinabi niya: “Naalala kong nanalangin ako, ‘Diyos na Jehova, tulungan n’yo po akong maging mahinahon!’ Pagkatapos, sa kauna-unahang pagkakataon, nakadama ako ng kapayapaan, at nagawa kong umalis na lang.” Ipinagpatuloy ni Jack ang pag-aaral niya ng Bibliya. Madalas din siyang nananalangin at nagbubulay-bulay ng mga tekstong gaya ng Kawikaan 26:20, na nagsasabi: “Kung saan walang kahoy ay namamatay ang apoy.” Ngayon, nakokontrol na niya ang kaniyang galit.

Matutong Kalmahin ang Sarili

“Ang pusong mahinahon ay buhay ng katawan.” (Kawikaan 14:30) Kung ikakapit ng isa sa kaniyang buhay ang mahalagang katotohanang ito, makatutulong ito para bumuti ang kaniyang emosyonal, pisikal, at espirituwal na kalusugan. Magsimula sa simpleng mga teknik para marelaks, na makababawas sa nadaramang galit. Ang mga sumusunod ay napatunayang epektibo para maalis ang galit na dulot ng stress:

● Huminga nang malalim​—isa ito sa pinakamabisa at pinakamabilis na paraan para mabawasan ang tindi ng galit.

● Habang humihinga nang malalim, ulit-ulitin ang pananalitang nagpapakalma sa iyo, gaya ng “relaks,” “hayaan mo na ’yon,” o “cool ka lang.”

● Maging abala sa isang bagay na gusto mo, gaya ng pagbabasa, pakikinig ng musika, paghahalaman, o iba pang gawain na nakarerelaks sa iyo.

● Mag-ehersisyo nang regular at kumain ng masustansiyang pagkain.

Maging Makatuwiran sa Iyong Inaasahan

Maaaring hindi mo lubos na maiiwasan ang mga tao o bagay na nagiging mitsa ng galit mo, pero puwede mong matutuhang kontrolin ang reaksiyon mo sa mga iyon. Kailangan mo lang baguhin ang iyong saloobin.

Ang mga taong masyadong mataas ang inaasahan ay may tendensiyang maging magagalitin. Bakit? Kapag hindi naabot ang kanilang mataas na pamantayan, posibleng madismaya sila agad at magalit. Para maiwasan ang pagiging perpeksiyonista, tandaan na “walang taong matuwid, wala ni isa man . . . Ang lahat ng tao ay suminsay, silang lahat.” (Roma 3:10, 12) Kaya talagang mabibigo lang tayo kung iisipin natin na ang sinuman sa atin ay puwedeng maging perpekto.

Isang katalinuhan na huwag maging labis na mapaghanap sa ating sarili o sa iba. Sinasabi ng Bibliya: “Tayong lahat ay natitisod nang maraming ulit. Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa salita, ang isang ito ay taong sakdal.” (Santiago 3:2) Oo, “walang taong matuwid sa lupa na patuloy na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.” (Eclesiastes 7:20) Kaya kung iisipin nating perpekto tayo​—na hindi naman totoo​—lagi lang tayong madidismaya at magagalit.

Dahil hindi tayo perpekto, kung minsan ay nahihirapan tayong kontrolin ang ating galit. Pero depende sa atin kung ano ang gagawin natin kapag nagalit tayo. Nagbabala si apostol Pablo sa mga kapuwa niya Kristiyano: “Mapoot kayo, gayunma’y huwag magkasala; huwag hayaang lumubog ang araw na kayo ay pukáw sa galit.” (Efeso 4:26) Oo, kapag kontrolado ang ating galit, maipakikita natin ang ating nadarama sa maayos na paraan, sa ikabubuti ng lahat ng nasasangkot.

[Kahon/Mga larawan sa pahina 8, 9]

MATUTONG KALMAHIN ANG SARILI

Huminga nang malalim

Maging abala sa isang bagay na gusto mong gawin

Mag-ehersisyo nang regular

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share