-
Isang Praktikal na Aklat Para sa Modernong PamumuhayIsang Aklat Para sa Lahat ng Tao
-
-
Ngunit ang awtoridad ng magulang—“ang pamalong pansaway”—ay hindi kailanman dapat abusuhin.b (Kawikaan 22:15; 29:15) Nagbababala ang Bibliya sa mga magulang: “Huwag ninyong labis na ituwid ang inyong mga anak, upang huwag manlupaypay ang kanilang puso.” (Colosas 3:21, Phillips) Inaamin din nito na hindi laging pinakamabisang paraan ng pagtuturo ang pisikal na pananakit. Sabi ng Kawikaan 17:10: “Ang saway ay mas mabisa sa isa na may unawa kaysa isang daang palo sa isang mangmang.” Bukod dito, iminumungkahi ng Bibliya ang pansawatang disiplina. Sa Deuteronomio 11:19 ang mga magulang ay hinihimok na samantalahin ang di-sinasadyang mga sandali upang ikintal sa kanilang mga anak ang mga pamantayan sa moral.—Tingnan din ang Deuteronomio 6:6, 7.
-
-
Isang Praktikal na Aklat Para sa Modernong PamumuhayIsang Aklat Para sa Lahat ng Tao
-
-
b Noong panahon ng Bibliya, ang salitang “pamalo” (Hebreo, sheʹvet) ay nangangahulugang isang “patpat” o isang “tungkod,” na gaya ng ginagamit ng pastol.10 Ipinahihiwatig ng kontekstong ito na ang awtoridad na pamalo ay mapagmahal na paggabay, hindi mabagsik na pagmamalupit.—Ihambing ang Awit 23:4.
-