Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 5/8 p. 16-18
  • Paano Ko Masusupil ang Aking Galit?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ko Masusupil ang Aking Galit?
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Iyong Galit​—Likas sa Taong-Kuweba?
  • ‘Kayo’y Magalit, Subalit Huwag Magkakasala’
  • ‘Pagpapabagal sa Galit’
  • Ang Galit sa Kaloob-looban
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Galit?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • “Ang Kaunawaan ng Tao ay Tunay na Nagpapabagal ng Kaniyang Galit”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Lagi bang Masama ang Magalit?
    Gumising!—1994
  • Ang Pagsupil sa Galit—Mo at ng Iba
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 5/8 p. 16-18

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Paano Ko Masusupil ang Aking Galit?

“Mayroon akong matinding galit. Nagalit ako, at bago ko namalayan ito, nagsasabi ako ng kayamut-yamot na mga bagay sa mga taong talagang naiibigan ko. Sinisikap kong walaing-bahala ang kaunting mga hinanakit, subalit talagang tumitindi ang mga ito sa paanuman. Pagkatapos kong magalit, nakadarama ako ng pagkakasala.”​—Isang tin-edyer na babae.

WALANG alinlangan tungkol dito, ang pagsupil ng iyong galit ay maaaring maging isang tunay na pagpupunyagi. Hindi kataka-taka, kung gayon, na ang ilan sa larangan ng kalusugang pangkaisipan ay nagsabi na mabuting pakawalan mo paminsan-minsan ang iyong galit. Ipinalalagay na ito’y ‘nagpapalaki ng iyong pagpapahalaga-sa-sarili’ at ‘nag-aalis ng galit’ sa iyong mga kaugnayan sa iba. Aba, ang iba pa nga ay nagsasabi na ang pagkikimkim ng galit ay masama sa iyong kalusugan!

Gayunman, ang Bibliya ay nagsasabi: “Hayaang ang lahat ng malisyosong kapaitan at galit at poot at pambubulyaw at masamang bibig ay alisin ninyo.” (Efeso 4:31) Aling payo, kung gayon, ang pinakamabuti? Posible bang supilin ang galit kapag may matinding pampagalit?

Ang Iyong Galit​—Likas sa Taong-Kuweba?

Sa gitna ng maraming teoriya tungkol sa galit ay ang paniniwala sa teoriya ng ebolusyon. Ang ilan ay naniniwala na ang galit ay isang pamana buhat sa ating mga ninunong taong-kuweba o caveman, isang hindi masupil na katutubong ugali. Ganito ang sabi ni Carol Tavris sa kaniyang aklat na Anger: The Misunderstood Emotion: “Kinakatawan ng mga teoriya ni Darwin ang mahalagang punto sa Kanluraning kaisipan: noong minsan ang paniniwala natin na maaari nating supilin ang galit​—oo, dapat nating supilin ito​—ay sumuko sa paniniwala na hindi natin maaaring supilin ito, noo’y isa lamang itong maikling paglukso sa kasalukuyang paniniwala na hindi natin dapat supilin ito.”

‘Ipahayag mo ang iyong galit,’ gayon ang payo ng iba. ‘Sumigi ka at palabasin mo ang iyong galit.’ Subalit ang gayon bang payo ay kapaki-pakinabang? Sa isang bagay, ang katibayan laban sa teoriya ng ebolusyon ay patuloy na dumarami. At hinahamon ni Tavris at ng iba pa ang ‘ilabas mong lahat ito’ na pangmalas tungkol sa galit. “Napansin ko na ang mga tao na madaling magalit ay lalo pang nagagalit, hindi nababawasan ang galit,” sabi ni Tavris. “Napansin ko ang maraming sama ng loob sa gitna ng mga tumatanggap ng galit.”

Ang aklat na Behind Closed Doors: Violence in the American Family ay nag-uulat ng kahawig na bagay tungkol sa isang pag-aaral ng mahigit isang libong mga mag-asawa. Natuklasan ng mga awtor na ang paglalabas ng galit ay hindi nakapagpapakalma. Sa kabaligtaran, ang berbal na pagsalakay ay kadalasang humahantong sa pisikal na pagsalakay! Ang dahilan? Ang galit ay gumagatong ng galit. Sa gayon pinatutunayan ng gayong pananaliksik kung ano ang sinasabi ng Bibliya daan-daang taon na ang nakalipas: “Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo, ngunit siyang mabagal sa galit ay pumapayapa ng kaalitan.”​—Kawikaan 15:18; ihambing ang 29:22.

‘Kayo’y Magalit, Subalit Huwag Magkakasala’

Sa gayon ang galit ay hindi isang di-masupil na katutubong ugali ng hayop. Ito ay maaari at dapat na supilin. Nangangahulugan ba ito, kung gayon, na tayo ay maaaring hindi tablan ng mga pampagalit​—walang damdamin at mga emosyon? Hindi, sapagkat sa Efeso 4:26 ay kinikilala ng Bibliya na kung minsan tayo ay matuwid na makadarama ng galit: “Kayo’y magalit, subalit huwag magkakasala.”

Gayunman, pansinin na hinahatulan ng Bibliya, hindi ang galit, kundi ang hayaang daigin ng galit ang mga pagkilos ng isa! “Ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalansang,” sabi ng Kawikaan 29:22. Kaya sa halip na palakihin ang galit, “supilin mo ito.” (Ihambing ang Genesis 4:7.) Halimbawa, ipalagay mo ang iyong sarili na nasa isang kalagayan na nagpapakulo ng iyong dugo. Paano ka maaaring ‘manatiling mahinahon hanggang sa kahuli-hulihang sandali’? (Kawikaan 29:11) Maaaring subukin mo muna ang matandang payo na ‘bumilang hanggang sampu’​—o anumang bilang ang kailanganin nito upang ikaw ay huminahon.

Ganito pa ang mungkahi ng isang artikulo sa magasing ’Teen: “Gamitin mo ang ilang enerhiya ng galit na iyan sa paglakad nang malayo . . . Baka gusto mong gawin ang gawain na nasusumpungan mong lubhang nakapagpaparelaks, iyon man ay ang pakikinig sa musika, pagpaligo nang mainit na tubig o panunood ng sine.” Mas mabuti pa, manalangin kay Jehova, hingin ang kaniyang tulong para manatiling mahinahon. “At ang kapayapaan ng Diyos na di-masayod ng pag-iisip ay mag-iingat sa inyong mga puso at sa inyong mga kaisipan.” (Filipos 4:7) Karagdagan pa, subuking magbasa ng Bibliya o salig-Bibliyang mga publikasyon, gaya ng magasing ito at ng kasama nitong Ang Bantayan.

‘Pagpapabagal sa Galit’

Ang Kawikaan 19:11 ay nagsasabi: “Ang unawa ng isang tao ay tunay na nagpapabagal ng kaniyang galit.” (Ihambing ang Kawikaan 14:29.) Ang pagkaunawa ay ang akto o kapangyarihang makita ang isang kalagayan, pagkakaroon ng lahat ng mga katotohanan tungkol sa isang bagay bago kumilos. Sa pagpapakita ng unawa, maaaring makita mo na mayroong maliit na dahilan upang ikaw una pa ay magalit.

Halimbawa, ipalagay mong ang iyong mga kaibigan ay huli nang sunduin ka para manood ng isang sine. Sinimulan mong isipin ang lahat ng iba pang mga pagkakataon na ito ay nangyari sa iyo. Mientras iniisip mo, lalo kang naiinis! Nang sa wakas ay dumating sila, ano ang gagawin mo? Sabihin mo sa kanila ang nasa iyong isipan​—o alamin kung ano ang nangyari at sila ay naatraso nang husto? Malamang na mayroong mabuting dahilan. Ang pagkakaroon ng unawa ay maaaring humadlang sa silakbo ng galit.

Ang unawa ay maaari ring maglakip ng paglalaan ng panahon upang timbang-timbangin ang mga kahihinatnan ng galít na pagganti. Isaalang-alang ang ulat ng Bibliya tungkol kay Haring David. Nang pagpakitaan ng kasupladuhan ng isang lalaking nagngangalang Nabal ang kabaitan ni David, si David ay mapusok na nagbalak ng paghihiganti​—ang pagpatay! Gayunman, nagsumamo ang asawa ni Nabal, si Abigail, kay David na isaalang-alang ang mga kahihinatnan ng pagbububo ng walang-salang dugo. Si David ay huminto sa kaniyang hakbang. “Pagpalain nawa ang iyong pagkakaroon ng unawa,” sabi ni David kay Abigail, “at pagpalain ka na pumigil sa akin sa araw na ito sa pagbububo ng dugo.”​—1 Samuel 25:2-33.

Ang pagsasaalang-alang ng mga kahihinatnan ng isang silakbo ng galit ay maaari ring mag-ingat sa iyo mula sa hindi kinakailangang lumaking di-pagkakaunawaan sa isa na may awtoridad, gaya ng isang guro o isang amo. “Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo, huwag kang umalis sa iyong sariling dako, sapagkat ang kahinahunan mismo ay nagpapalikat ng mga malaking kasalanan,” sabi ni Solomon. (Eclesiastes 10:4) At kahit na kung ang pagganti ay binalak sa isang kaedad, tandaan na ang Bibliya ay nagsasabi: “Huwag mong sabihin: ‘Gaya ng ginawa niya sa akin, gayon ang gagawin ko sa kaniya.’”​—Kawikaan 24:29.

Isa pang paraan upang pabagalin ang galit ay bantayan kung ano ang ipinakakain mo sa iyong isipan. Maraming mga palabas sa telebisyon ang punúng-punô ng karahasan. Oo, inaakala ng marami na ang karahasan sa TV at sa pelikula ay nakakaapekto lamang doon sa mga mahilig sa karahasan. Gayunman, sinasabi ng isang pangkat ng mga mananaliksik na “lahat ng mga manonood ay waring apektado.”​—How to Live With​—And Without​—Anger, ni Albert Ellis.

Ang Bibliya ay nagpapayo pa sa Kawikaan 22:24, 25: “Huwag kang makisama sa sinumang magagalitin; at sa taong may silakbo ng galit ay huwag kang sasama, upang huwag kang matuto ng kaniyang lakad at masilo nga ang iyong kaluluwa.” Nasisiyahan ka bang maging kasama niyaong mga “magagalitin”? Kung gayon huwag kang magtaka kung nahihirapan kang supilin ang iyong galit. Kaya ang aklat na How to Live With​—And Without​—Anger ay humihimok na hanapin “ang mabuting mga huwaran sa inyo mismong buhay . . . mga taong determinadong pagtagumpayan ang kamalian sa buhay at aktibong pinagsusumikapang gawin ang gayon. Makipag-usap sa mga taong ito. Sikaping matuto mula sa kanila kung paano nila pinangangasiwaang manatiling mahinahon sa harap ng mga nakayayamot na mga bagay sa buhay.”

Ang Galit sa Kaloob-looban

Gayunman, maaaring hindi masukól ng basta pagpapahinahon sa sarili ang galit sa loob ng mahabang panahon. Ang propesor sa sikolohiya na si Richard Lazarus ay sumulat: “Ang isang emosyon ay hindi na kinakailangang pukawin ng isang bagay mula sa daigdig sa labas. Maaari itong gawin ng mga pag-iisip ng isang tao.” Halimbawa, inaamin ng isang kabataang babae na ang kaniyang galit kadalasan ay dahil sa pag-iisip sa mga bagay na nakapagpapagalit sa kaniya tungkol sa isang tao. “Pinag-iisipan ko ang bawat detalye, at nasusumpungan ko ang aking sarili na higit at higit na nagagalit. Sa loob ko ako ay naging nerbiyosa at maigting. Ginugulo nito ang buong araw ko. Ako’y nanlulumo.”

Ang ipakipag-usap mo sa isang kaibigan sa dakong huli ang isang nakapagpapagalit na pangyayari ay maaaring magpatindi na muli ng iyong galit. Kung minsan ang pinakamabuting gawin ay alamin ang mismong pinagmumulan ng pagkainis at sikaping iwasto ang mga bagay. Mayroon bang nakasugat ng iyong damdamin? Kung hindi mo basta makalimutan ang bagay na iyon, lapitan mo ang taong iyon at sikapin mong ayusin ang bagay-bagay. (Ihambing ang Mateo 5:23-26.) Kadalasang ito pala ay kaunting di-pagkakaunawaan lamang.

Ang mga pampagalit ay maaaring sumagana. Gayunman, taglay ang unawa maaari mong malasin ang gayong mga bagay ayon sa kanilang tunay na kaugnayan. Matututuhan mong ibaling ang nakasisirang mga damdamin tungo sa mabungang mga pagkilos. Oo, maaari mong supilin ang iyong galit!

[Larawan sa pahina 18]

Hindi ka ba nakikisama sa mga magagalitin?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share