-
Magtiwala Ka kay JehovaAng Bantayan—2003 | Setyembre 1
-
-
18, 19. Sa anong mga salita tayo pinasisigla ng Bibliya na magtiwala kay Jehova, ngunit tungkol sa bagay na ito, anong maling mga ideya ang pinanghahawakan ng ilan?
18 Hinihimok tayo ng Salita ng Diyos: “Magtiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso at huwag kang manalig sa iyong sariling pagkaunawa. Sa lahat ng iyong mga lakad ay isaalang-alang mo siya, at siya mismo ang magtutuwid ng iyong mga landas.” (Kawikaan 3:5, 6) Ang mga ito ay kalugud-lugod at nagbibigay-katiyakang mga salita. Tiyak na wala nang mas mapagkakatiwalaan sa buong sansinukob kundi ang ating mahal at makalangit na Ama. Gayunman, ang mga salitang iyon sa Kawikaan ay mas madaling basahin kaysa sa ikapit.
-
-
Magtiwala Ka kay JehovaAng Bantayan—2003 | Setyembre 1
-
-
22, 23. (a) Bakit dapat nating ilagak ang ating pagtitiwala kay Jehova kapag napaharap tayo sa mga problema, at paano natin ito magagawa? (b) Ano ang tatalakayin sa susunod na artikulo?
22 Gayunman, ipinahihiwatig ng Kawikaan 3:6 na dapat nating ‘isaalang-alang si Jehova sa lahat ng ating mga lakad,’ hindi lamang kapag napapaharap tayo sa mahihirap na situwasyon. Kaya ang mga pasiya natin sa araw-araw ay dapat na kakitaan ng ating pagtitiwala kay Jehova. Kapag bumangon ang mga problema, hindi tayo dapat masiphayo, mataranta, o tumutol sa patnubay ni Jehova hinggil sa kung ano ang pinakamainam na paraan ng pagharap sa mga bagay-bagay. Kailangan nating malasin ang mga pagsubok bilang mga pagkakataon upang sumuporta sa soberanya ni Jehova, upang tumulong sa pagpapatunay na sinungaling si Satanas, at upang malinang ang pagkamasunurin at ang iba pang mga katangian na nakalulugod kay Jehova.—Hebreo 5:7, 8.
-