Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tinatanggap ba ng Iba ang Iyong Payo?
    Ang Bantayan—1999 | Enero 15
    • Kapag nagpapayo, mahalaga na piliin ang tamang mga salita. Sinabi ng pantas na taong si Solomon: “Mistulang mga mansanas na ginto sa mga sisidlang pilak ang salitang sinalita sa tamang panahon para doon.” (Kawikaan 25:11) Malamang na ang nasa isip niya ay isang napakagandang inukit na sisidlang pilak na may lamang kaakit-akit na mga inukit na ginintuang mansanas. Kay ganda ngang tingnan nito, at tunay na pahahalagahan mo itong tanggapin bilang regalo! Sa gayunding paraan, ang mga pinili at magagandang salita ay maaaring lubhang makaakit sa isang tao na sinisikap mong tulungan.​—Eclesiastes 12:9, 10.

  • Tinatanggap ba ng Iba ang Iyong Payo?
    Ang Bantayan—1999 | Enero 15
    • Gaya ng sinabi ni Solomon, ang isang payo ay dapat ‘salitain sa tamang panahon.’ Napakahalaga ng tamang panahon kung nais nating magtagumpay ang pagpapayo! Maliwanag na ang pagkain ay hindi pahahalagahan ng isa na walang ganang kumain. Marahil ay busog pa siya, o baka may-sakit siya. Hindi katalinuhan ni karapat-dapat man na piliting pakainin ang isa na ayaw kumain.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share