Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 1/15 p. 32
  • Tulad ng mga Mansanas na Ginto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulad ng mga Mansanas na Ginto
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 1/15 p. 32

Tulad ng mga Mansanas na Ginto

MANSANAS​—nakalulugod kapuwa sa paningin at sa panlasa! Ginagamit ng Bibliya ang masarap na prutas na ito sa isang pumupukaw-kaisipan na paghahalintulad pagka sinasabi nito: “Mistulang mga mansanas na ginto sa mga sisidlang pilak ang salitang sinalita sa tamang panahon para doon.” (Kawikaan 25:11) Ano ang ibig sabihin ng pangungusap na ito?

Ang “mga mansanas na ginto sa mga sisidlang pilak” ay maaaring tumutukoy sa mga gawang nililok, gaya ng isang inukit na bandehang pilak na may nakalagay na prutas na ginto. Yamang ang naunang mga talata ng kabanatang ito ay bumabanggit ng paglapit sa isang hari Kaw 25:2, 3, 5, 6, ang talatang ito ay maaaring tumukoy sa mga regalong ipinagkakaloob sa isang tagapamahala​—ginintuang mga palamuti na may hugis ng mga mansanas na nakalagay sa mga bandehang pilak. (Kawikaan 25:6, 7) Isang nakaaakit na kagandahan nga!

May nakakatulad na kagandahan sa angkop, marangal, napapanahong mga salita, nasusulat man o binibigkas. Ang mga ito ay kalugud-lugod, nagpapatibay-loob, at kapaki-pakinabang sa maraming paraan. Ang kinasihan ng Diyos na nilalaman ng Bibliya ay lalo nang tulad ng magagandang “mansanas na ginto sa mga sisidlang pilak.”

Gaya ng inilalarawan ng pantas na kasabihan ni Haring Solomon sa Kawikaan 25:11, siya’y ‘humanap ng kalugud-lugod na mga salita at sumulat ng tamang mga salita ng katotohanan.’ (Eclesiastes 12:10; Kawikaan 25:1) Pagkalipas ng daan-daang taon, ang Kristiyanong apostol na si Pablo ay sumulat: “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang.” (2 Timoteo 3:16) Oo, taglay ng Bibliya ang kapaki-pakinabang na payo, mga hula, naglalarawang mga salita, at mga katotohanan na lubhang maningning at may taglay na kagandahan anupat ang mga ito’y totoong nakahihigit sa mga gawa ng pinakamahuhusay na manggagawa. Bukod diyan, sinumang nagtatamo ng karunungan buhat sa Salita ng Diyos, ang Bibliya, ay nagkakamit ng isang walang-kasinghalagang pag-aari at makaaasang magtatamo ng buhay na walang-hanggan.​—Kawikaan 4:7-9; Juan 17:3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share