Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-unawa sa Layunin ng Disiplina
    Ang Bantayan—2003 | Oktubre 1
    • Subalit inihaharap ng Bibliya ang disiplina sa ibang liwanag. “Ang disiplina ni Jehova, O anak ko, ay huwag mong itakwil,” sulat ng pantas na haring si Solomon. (Kawikaan 3:11) Ang mga salitang ito ay tumutukoy, hindi sa disiplina sa pangkalahatang kahulugan nito, kundi sa “disiplina ni Jehova,” samakatuwid nga, ang disiplinang salig sa matatayog na simulain ng Diyos. Ang gayong disiplina lamang ang nagbubunga ng espirituwal na mga kapakinabangan​—kanais-nais pa nga. Sa kabaligtaran, kadalasang nakasasakit at nakapipinsala ang disiplinang batay sa kaisipan ng tao na salungat sa matatayog na simulain ni Jehova. Ipinaliliwanag niyan kung bakit marami ang may negatibong saloobin sa disiplina.

      Bakit tayo hinihimok na tanggapin ang disiplina ni Jehova? Sa Kasulatan, ang disiplina ng Diyos ay inilalarawan bilang isang kapahayagan ng pag-ibig ng Diyos sa kaniyang mga nilalang na tao. Kaya, sinabi ni Solomon: “Ang iniibig ni Jehova ay sinasaway niya, gaya nga ng ginagawa ng ama sa anak na kaniyang kinalulugdan.”​—Kawikaan 3:12.

      Disiplina o Kaparusahan​—Alin?

      Ang disiplina gaya ng ipinahahayag sa Bibliya ay maraming aspekto​—patnubay, pagtuturo, pagsasanay, pagsaway, pagtutuwid, at kaparusahan pa nga. Gayunman, sa bawat kalagayan, ang disiplina ni Jehova ay udyok ng pag-ibig, at ang tunguhin nito ay upang makinabang ang tumatanggap nito. Ang nagtutuwid na disiplina ni Jehova ay hindi kailanman para magparusa lamang.

  • Pag-unawa sa Layunin ng Disiplina
    Ang Bantayan—2003 | Oktubre 1
    • Sa anong diwa “naglalagay ng isang parisan para sa mga taong di-makadiyos tungkol sa mga bagay na darating” ang mga pagpaparusang ito? Sa liham ni Pablo sa mga taga-Tesalonica, binanggit niya ang ating kaarawan bilang ang panahon kapag ang Diyos, sa pamamagitan ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ay magpapasapit ng “paghihiganti doon sa mga hindi nakakakilala sa Diyos at doon sa mga hindi sumusunod sa mabuting balita.” Sinabi pa ni Pablo: “Ang mga ito mismo ay daranas ng parusang hatol na walang-hanggang pagkapuksa.” (2 Tesalonica 1:8, 9) Maliwanag, ang gayong parusa ay hindi dinisenyo upang magturo o dalisayin ang mga tatanggap nito. Subalit, kapag inanyayahan ni Jehova ang kaniyang mga mananamba na tanggapin ang disiplina, hindi niya tinutukoy ang kaparusahan sa di-nagsisising mga makasalanan.

      Kapansin-pansin na si Jehova ay hindi pangunahing inilalarawan ng Bibliya bilang isang tagapagparusa. Sa halip, kadalasan siyang inilalarawan bilang isang maibiging guro at isang matiising tagapagsanay. (Job 36:22; Awit 71:17; Isaias 54:13) Oo, laging may kasamang pag-ibig at pagtitiis ang makadiyos na disiplina kapag inilalapat bilang pagtutuwid. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa layunin ng disiplina, ang mga Kristiyano ay nasa mas mabuting kalagayan upang tumanggap at maglapat ng disiplina taglay ang tamang saloobin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share