Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Magtamo ng Karunungan at Tanggapin ang Disiplina
    Ang Bantayan—1999 | Setyembre 15
    • Ang layunin ng aklat ng Kawikaan ay ipinaliwanag sa pambungad na pananalita nito: “Ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, na hari ng Israel, upang ang isa ay makaalam ng karunungan at disiplina, upang makakilala ng mga pananalita ng pagkaunawa, upang tumanggap ng disiplinang nagbibigay ng kaunawaan, katuwiran at kahatulan at katapatan, upang magbigay ng katalinuhan sa mga walang-karanasan, ng kaalaman at kakayahang mag-isip sa kabataan.”​—Kawikaan 1:1-4.

  • Magtamo ng Karunungan at Tanggapin ang Disiplina
    Ang Bantayan—1999 | Setyembre 15
    • Ang karunungan ay kombinasyon ng maraming salik, kabilang na ang unawa, kaunawaan, katalinuhan at kakayahang mag-isip. Ang unawa ay ang kakayahang makita ang isang bagay at maintindihan ang kayarian nito anupat nasasakyan natin ang kaugnayan ng mga bahagi at kabuuan nito, sa gayo’y nakukuha natin ang diwa nito. Ang kaunawaan ay humihiling ng pagkaalam ng katuwiran at pagkaunawa kung bakit ang isang landasin ay tama o mali. Halimbawa, nahihiwatigan ng taong may unawa kapag ang isa ay patungo na sa maling landasin, at maaari niyang babalaan agad ito tungkol sa panganib. Ngunit nangangailangan siya ng kaunawaan upang maintindihan kung bakit ang taong ito ay patungo na sa direksiyong iyon at makaisip ng pinakamahusay na paraan upang iligtas siya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share