Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w06 8/1 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Kaparehong Materyal
  • “Maligaya ang Taong Nakasumpong ng Karunungan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Nasa Kaniya ang “Lahat ng Karunungan”
    Halika Maging Tagasunod Kita
  • ‘Talagang Kahanga-hanga ang Karunungan ng Diyos!’
    Maging Malapít kay Jehova
  • Sumisigaw ang Tunay na Karunungan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
w06 8/1 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Paano natin nasabi na ang paglalarawan hinggil sa karunungan sa Kawikaan 8:22-31 ay tumutukoy kay Jesu-Kristo bago siya umiral bilang tao?

Sa aklat ng Kawikaan, ganito ang kinasihang paglalarawan sa karunungan: “Ginawa ako ni Jehova bilang ang pasimula ng kaniyang lakad, ang kauna-unahan sa kaniyang mga nagawa noong sinaunang panahon. . . . Bago pa nalagay ang mga bundok, una pa sa mga burol, ako ay iniluwal na waring may kasabay na mga kirot ng pagdaramdam . . . Nang ihanda niya ang langit ay naroroon ako; . . . noon ay nasa piling niya ako bilang isang dalubhasang manggagawa, at ako ang siyang lubhang kinagigiliwan niya araw-araw, at ako ay nagagalak sa harap niya sa lahat ng panahon, . . . at ang mga kinagigiliwan ko ay nasa mga anak ng mga tao.”

Hindi lamang karunungan ng Diyos o konsepto ng karunungan ang tinutukoy ng tekstong ito. Bakit hindi? Sapagkat ang karunungang inilalarawan dito ay “ginawa,” o nilalang, bilang pasimula ng lakad ni Jehova. Lagi namang umiiral at marunong ang Diyos na Jehova. (Awit 90:1, 2) Walang pasimula ang kaniyang karunungan; hindi ito nilalang o ginawa. Hindi ito “iniluwal na waring may kasabay na mga kirot ng pagdaramdam.” Bukod diyan, sinasabing nagsasalita at kumikilos ang karunungang ito, anupat kumakatawan sa isang persona.​—Kawikaan 8:1.

Sinasabi ng aklat ng Kawikaan na noong sinaunang panahon, ang karunungan ay nasa piling ni Jehova, ang Maylalang, bilang “isang dalubhasang manggagawa.” Tiyak na tumutukoy ito kay Jesus. Matagal na panahon bago pa siya bumaba sa lupa, nakipagtulungang mabuti si Jesus kay Jehova anupat sinasabi ng Salita ng Diyos: “Siya ay una pa sa lahat ng iba pang bagay at sa pamamagitan niya ang lahat ng iba pang bagay ay pinairal.”​—Colosas 1:17; Apocalipsis 3:14.

Angkop na ilarawan ang Anak ng Diyos bilang karunungan, yamang siya ang Isa na nagsiwalat sa matalinong mga layunin at batas ni Jehova. Bago umiral si Jesus bilang tao, siya ang Salita, o Tagapagsalita, ng Diyos. (Juan 1:1) Inilarawan siya bilang “ang kapangyarihan ng Diyos at ang karunungan ng Diyos.” (1 Corinto 1:24, 30) Napakagandang paglalarawan nga ito sa Anak ng Diyos, na ang pagkagiliw sa sangkatauhan ay nagpakilos sa kaniya na ibigay ang kaniyang buhay bilang pantubos sa kanila!​—Juan 3:16.

[Larawan sa pahina 31]

“Bago pa nalagay ang mga bundok . . . ako ay iniluwal”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share