-
Isang Praktikal na Aklat Para sa Modernong PamumuhayIsang Aklat Para sa Lahat ng Tao
-
-
Ang pisikal na kalusugan ng tao ay karaniwan nang naaapektuhan ng kalagayan ng kaniyang kalusugan sa mental at emosyon. Halimbawa, napatunayan na ng pagsusuri sa siyensiya ang masamang epekto ng pagkagalit. “Ipinahihiwatig ng halos lahat ng hawak na ebidensiya na ang mga taong magagalitin ay madaling kapitan ng sakit sa puso (gayundin ng iba pang karamdaman) dulot ng iba’t ibang kadahilanan, lakip na ang pagkakaroon ng kakaunting kaibigan, matinding reaksiyon ng katawan kapag nagagalit, at matinding pagpapakalabis sa mapanganib na mga hilig ng katawan,” sabi ni Dr. Redford Williams, Direktor ng Behavioral Research sa Duke University Medical Center, at ng kaniyang asawa, si Virginia Williams, sa kanilang aklat na Anger Kills.13
Libu-libong taon bago pa ang ganitong mga pag-aaral sa siyensiya, pinag-ugnay na ng Bibliya, sa simple ngunit maliwanag na pananalita, ang kalagayan ng ating emosyon at ang pisikal na kalusugan: “Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan, ngunit ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto.” (Kawikaan 14:30; 17:22) May-katalinuhang nagpayo ang Bibliya: “Maglikat ka ng pagkagalit at bayaan mo ang poot,” at “Huwag kang magmadaling maghinanakit sa iyong espiritu [o “magalit,” King James Version].”—Awit 37:8; Eclesiastes 7:9.
-
-
Isang Praktikal na Aklat Para sa Modernong PamumuhayIsang Aklat Para sa Lahat ng Tao
-
-
“Huwag magmadali sa pagpapakita ng hinampo; sapagkat ang paghihinampo ay kinikimkim ng mga hangal.” (Eclesiastes 7:9, The New English Bible) Malimit na ang kasunod ng emosyon ay pagkilos. Ang taong maramdamin ay hangal, sapagkat ang kaniyang pagiging gayon ay maaaring humantong sa walang-pakundangang pagsasalita o pagkilos.
-