Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Patuloy na Maghintay kay Jehova
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 5, 6. (a) Bakit ang pakikipag-alyansa sa Ehipto ay isang nakamamatay na pagkakamali? (b) Anong naunang paglalakbay ang ginawa ng bayan ng Diyos na nagtatampok sa kamangmangan ng paglalakbay na ito sa Ehipto?

      5 Na wari bang sinasagot ang anumang ideya na ang misyon sa Ehipto ay hindi isinaplanong pagdalaw, si Isaias ay nagbigay ng higit pang detalye. “Ang kapahayagan laban sa mga hayop sa timog: Sa lupain ng kabagabagan at mahihirap na kalagayan, ng leon at leopardo na umuungol, ng ulupong at malaapoy na ahas na lumilipad, sa mga balikat ng mga hustong-gulang na asno ay dala nila ang kanilang yaman, at sa mga umbok ng mga kamelyo ang kanilang mga panustos.” (Isaias 30:6a) Maliwanag, ang paglalakbay ay isinaplanong mabuti. Ang mga sugo ay nag-organisa ng mga pulutong ng mga kamelyo at mga asno, na kanilang kinargahan ng mamahaling bagay at nagtungo sa Ehipto sa pamamagitan ng pagdaan sa isang tiwangwang na iláng na puno ng mga umuungol na leon at makamandag na mga ahas. Sa wakas, nakarating ang mga sugo sa kanilang destinasyon at ipinagkaloob ang kanilang mga kayamanan sa mga Ehipsiyo. Kanilang binili ang proteksiyon​—o kaya’y gayon ang kanilang palagay. Gayunman, sinabi ni Jehova: “Para sa bayan ay hindi magiging kapaki-pakinabang ang mga iyon. At ang mga Ehipsiyo ay walang kabuluhan, at tutulong sila nang wala namang saysay. Kaya tinawag ko ang isang ito: ‘Rahab​—sila ay para sa pag-upo nang tahimik.’” (Isaias 30:6b, 7) Ang “Rahab,” isang “dambuhalang hayop sa dagat,” ay sumagisag sa Ehipto. (Isaias 51:9, 10) Siya’y nangangako ng lahat ng bagay subalit wala namang nagagawa. Ang pakikipag-alyansa sa kaniya ng Juda ay isang nakamamatay na pagkakamali.

      6 Habang inilalarawan ni Isaias ang paglalakbay ng mga sugo, maaaring natatandaan ng kaniyang mga tagapakinig ang isang nakakatulad na paglalakbay na ginawa noong kaarawan ni Moises. Ang kanilang mga ninuno ay naglakbay sa gayon ding “kakila-kilabot na ilang.” (Deuteronomio 8:14-16) Gayunman, noong kaarawan ni Moises, ang mga Israelita ay naglalakbay papalayo sa Ehipto at mula sa pagkaalipin. Sa pagkakataong ito ang mga sugo ay naglalakbay patungong Ehipto at, ang totoo, tungo sa pagpapasakop. Ano ngang kamangmangan! Nawa’y hindi tayo gumawa kailanman ng gayong mangmang na pagpapasiya at ipagpalit ang ating espirituwal na kalayaan para sa pagkaalipin!​—Ihambing ang Galacia 5:1.

  • Patuloy na Maghintay kay Jehova
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • [Mga larawan sa pahina 305]

      Noong kaarawan ni Moises, ang mga Israelita ay tumakas mula sa Ehipto. Noong kaarawan ni Isaias, ang Juda ay humingi ng tulong sa Ehipto

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share