Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Patuloy na Maghintay kay Jehova
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 13. Sa ano inilagak ng mga pinuno ng Juda ang kanilang pagtitiwala, at makatuwiran ba ang gayong pagtitiwala?

      13 Pagkatapos ay nagpaliwanag pa nang higit si Isaias: “At sinabi ninyo: ‘Hindi, kundi tatakas kaming sakay ng mga kabayo!’ Iyan ang dahilan kung bakit kayo tatakas. ‘At sa mga kabayong matutulin kami sasakay!’ Iyan ang dahilan kung bakit yaong mga tumutugis sa inyo ay magiging matulin.” (Isaias 30:16) Iniisip ng mga taga-Judea na ang matutuling kabayo, sa halip na si Jehova, ang makapagliligtas sa kanila. (Deuteronomio 17:16; Kawikaan 21:31) Gayunman, sumalungat ang propeta, ang kanilang pagtitiwala ay magiging gaya ng ilusyon sapagkat aabutan sila ng kanilang mga kaaway. Maging ang malaking bilang ay hindi makatutulong sa kanila. “Ang isang libo ay manginginig dahil sa pagsaway ng isa; dahil sa pagsaway ng lima ay tatakas kayo.” (Isaias 30:17a) Ang hukbo ng Juda ay masisindak at tatakas sa sigaw ng iilan lamang kaaway.a Sa katapusan, isang nalabi lamang ang mananatili, maiiwan, “gaya ng isang palo na nasa taluktok ng bundok at gaya ng isang hudyat na nasa burol.” (Isaias 30:17b) Gaya ng kaniyang inihula, kapag pinuksa ang Jerusalem pagsapit ng 607 B.C.E., isang nalabi lamang ang makaliligtas.​—Jeremias 25:8-11.

  • Patuloy na Maghintay kay Jehova
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • a Pansinin na kapag ang Juda ay naging tapat, ang mismong kabaligtaran nito ang mangyayari.​—Levitico 26:7, 8.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share