Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Naisauling Paraiso!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • Nagalak ang Tiwangwang na Lupain

      3. Ayon sa hula ni Isaias, anong pagbabago ang mangyayari sa lupa?

      3 Ang kinasihang hula ni Isaias sa isinauling Paraiso ay nagpapasimula sa mga salitang ito: “Ang ilang at ang pook na walang tubig ay magbubunyi, at ang disyertong kapatagan ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng safron. Iyon ay walang pagsalang mamumulaklak, at talagang magagalak iyon na may kagalakan at may hiyaw ng katuwaan. Ang kaluwalhatian ng Lebanon ay ibibigay roon, ang karilagan ng Carmel at ng Saron. May mga makakakita sa kaluwalhatian ni Jehova, sa karilagan ng ating Diyos.”​—Isaias 35:1, 2.

      4. Kailan at paano magiging gaya ng iláng ang lupang tinubuan ng mga Judio?

      4 Isinulat ni Isaias ang mga salitang ito noong mga taon ng 732 B.C.E. Pagkaraan ng mga 125 taon, winasak ng Babilonya ang Jerusalem at ang bayan ng Juda ay ginawang tapon. Ang kanilang lupang tinubuan ay naiwang walang tumatahan, tiwangwang. (2 Hari 25:8-11, 21-26) Sa ganitong paraan natupad ang babala ni Jehova na ang bayang Israel ay magiging tapon kung sila’y hindi magtatapat. (Deuteronomio 28:15, 36, 37; 1 Hari 9:6-8) Nang maging bihag ang bansang Hebreo sa isang banyagang lupain, ang kanilang sagana-sa-tubig na mga bukid at ang mga taniman ay hindi naasikaso sa loob ng 70 taon at naging gaya ng iláng.​—Isaias 64:10; Jeremias 4:23-27; 9:10-12.

      5. (a) Paanong ang malaparaisong mga kalagayan ay maisasauli sa lupain? (b) Sa anong diwa ‘nakikita ng mga tao ang kaluwalhatian ni Jehova’?

      5 Gayunman, ang hula ni Isaias ay nagsasabi na ang lupain ay hindi mananatiling tiwangwang magpakailanman. Ito’y isasauli sa pagiging isa ngang paraiso. “Ang kaluwalhatian ng Lebanon” at “ang karilagan ng Carmel at ng Saron” ay ibibigay rito.a Paano? Noong sila’y makabalik mula sa pagkatapon, muling nalinang at napatubigan ng mga Judio ang kanilang bukirin, at ang kanilang lupain ay nanumbalik sa pagiging mabunga kagaya ng dati. Sa bagay na ito, ang kapurihan ay para lamang kay Jehova. Iyo’y sa pamamagitan ng kaniyang kalooban at ng kaniyang pag-alalay at pagpapala kung kaya tinatamasa ng mga Judio ang gayong malaparaisong mga kalagayan. Nakikita ng bayan ang “kaluwalhatian ni Jehova, sa karilagan ng [kanilang] Diyos” kapag kanilang kinikilala ang kamay ni Jehova sa kamangha-manghang pagbabago ng kanilang lupain.

      6. Anong mahalagang katuparan ng mga salita ni Isaias ang nakikita?

      6 Gayunpaman, sa isinauling lupain ng Israel, mayroong mas mahalaga pang katuparan ang mga salita ni Isaias. Sa espirituwal na diwa, ang Israel ay nasa tigang at tulad-disyertong kalagayan sa loob ng maraming taon. Habang ang mga ipinatapon ay nasa Babilonya, ang dalisay na pagsamba ay matinding ipinagbawal. Walang templo, walang altar, at walang organisadong pagkasaserdote. Ang pang-araw-araw na mga hain ay pinahinto. Ngayon, inihuhula ni Isaias ang pagbaligtad ng mga pangyayari. Sa ilalim ng pamumuno ng mga taong gaya nina Zerubabel, Ezra, at Nehemias, ang mga kinatawan mula sa 12 tribo ng Israel ay magbabalik sa Jerusalem, muling magtatayo ng templo, at malayang sasamba kay Jehova. (Ezra 2:1, 2) Ito’y tunay ngang isang espirituwal na paraiso!

  • Naisauling Paraiso!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • a Inilalarawan ng Kasulatan ang sinaunang Lebanon bilang isang mabungang lupain na may malalagong kagubatan at matatayog na sedro, katulad ng Hardin ng Eden. (Awit 29:5; 72:16; Ezekiel 28:11-13) Ang Saron ay kilala sa maliliit na ilog nito at kagubatan ng encina; ang Carmel ay bantog sa kaniyang mga ubasan, taniman ng mga punungkahoy na namumunga, at mga dalisdis na nalalatagan ng bulaklak.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share