Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 6/22 kab. 16 p. 22-25
  • Tinatahak Ngayon ng “Malaking Pulutong” ang “Daan” Patungo sa Organisasyon ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tinatahak Ngayon ng “Malaking Pulutong” ang “Daan” Patungo sa Organisasyon ng Diyos
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Paggawa ng Isang Makasagisag na Halamanan ng Eden
  • Ang “Daan” ng Kabanalan
Gumising!—1987
g87 6/22 kab. 16 p. 22-25

Kabanata 16​—Pandaigdig na Katiwasayan sa Ilalim ng “Prinsipe ng Kapayapaan”

Tinatahak Ngayon ng “Malaking Pulutong” ang “Daan” Patungo sa Organisasyon ng Diyos

1, 2. Kailan nagkaroon ng espirituwal na katuparan ang Isaias kabanata 35, at anong paglalarawan ang ibinibigay sa unang dalawang talata?

SA PANAHON ng Milenyong Paghahari ng “Prinsipe ng Kapayapaan,” marami sa mga tampok ng Isaias kabanata 35, na ngayo’y natutupad bago ang pagkawasak ng Babilonyang Dakila, ay matutupad sa sangkatauhan sa isang literal na diwa. Sapagkat kung ano ang matutupad sa espirituwal na paraan ay tiyak na matutupad sa pisikal na paraan. Ang malaking espirituwal na katuparan ng hulang ito ay nagaganap na ngayon, sa pagsasauli sa mga lingkod ng Diyos mula sa pagkabihag sa Babilonyang Dakila. Inilarawan ito ni propeta Isaias sa magandang pananalitang ito:

2 “Ang ilang at ang tuyong lupa ay sasayá, at ang malawak na disyerto ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng rosa. Walang pagsalang ito’y mamumulaklak nang sagana, at magagalak ng kagalakan at awitan. Ang kaluwalhatian ng Lebanon mismo ay tataglayin niyaon, ang karilagan ng Carmel at ng Sharon. Kanilang makikita ang kaluwalhatian ni Jehova.”​—Isaias 35:1, 2.

3. Noong ikaanim na siglo B.C.E., saan naroroon ang lupang tigang, at paano ito makapagsasayá?

3 Saan naroon ang ilang at ang tuyong lupa at ang malawak na disyerto? Noong ikaanim na siglo B.C.E., ito ay nasa teritoryo ng kaharian ng Juda. Noong 537 B.C.E., ang lupaing iyan ay naging tiwangwang at walang mga maninirahan sa loob ng 70 mga taon. Subalit paano maaaring magsayá ang ilang? Kailangang ibalik dito ang dating mga maninirahan nito. Ito ay kailangang itaas mula sa mababang katayuan nito at bigyan ng karangalan ng matataas na mga bundok ng maringal-pagmasdang Lebanon.

Paggawa ng Isang Makasagisag na Halamanan ng Eden

4, 5. (a) Sa modernong panahon, kailan naganap ang kahawig na pagbabago ng gayong pinabayaang lupain, at bakit? (b) Ano ang resulta ng mga gawaing pagpapanibagong-ayos ng pinahirang nalabi? (c) Paano inilalarawan ng Isaias 35:5-7 ang kanilang binagong espirituwal na kalagayan?

4 Sa espirituwal na diwa, ang modernong-panahong katulad na pagbabagong ito ng isang lupain mula sa isang anyo na pinabayaan-ng-Diyos tungo sa isang kalagayan na kakikitaan ng isinauling pagsang-ayon ni Jehova ay nagsimulang maganap noong 1919. Ang isinauling bayan ni Jehova ay determinadong samantalahin ang panahon ng kapayapaan na nabuksan noon. Inatasan ng Lalong-dakilang Ciro, si Jesu-Kristo, at ng kaniyang Ama, ang Diyos na Jehova, ang pinalayang nalabi ng espirituwal na mga Israelita na gawin ang isang kamangha-manghang gawain na katumbas ng pagtatayong-muli ng templo ni Jehova ng pinabalik sa kanilang bayan na nalabi ng sinaunang Israel pagkaraan ng 537 B.C.E. Ang mga gawain ng pagpapanibagong-ayos pagkaraan ng 1919 ay nagbunga sa paggawa ng isang makasagisag na halamanan ng Eden.

5 Ito ay inihula sa mga pananalitang ito ng Isaias 35: “Kung magkagayo’y madidilat ang mga mata ng bulag, at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan. Kung magkagayo’y lulukso ang pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit sa kagalakan. Sapagkat sa ilang ay bubukal ang tubig, at magkakailog sa malawak na disyerto. At ang lupang tigang sa init ay magiging lawa, at ang uhaw na lupa ay mga bukal ng tubig. Sa tahanan ng mga asong-gubat (jackal), na dakong pahingahan nila, magkakaroon ng luntiang damo pati ng mga tambo at mga papiro.”​—Isaias 35:5-7.

6. Ano ang hindi nahadlangan ng patuloy na pag-iral ng antitipiko, modernong-panahong Edom, at sino ngayon ang masayang humihiyaw na kasama ng isinauling nalabi?

6 Ang pag-iral ng antitipiko, modernong-panahong Edom ay hindi nakahadlang sa pagsasauli sa espirituwal na Israel sa isang paraisong kalagayan bilang katuparan ng Isaias kabanata 35. Kaya ang modernong-panahong mga Edomita ay walang dahilan upang magsaya na gaya ng pagsasaya ng ibinalik na nalabi ng espirituwal na Israel, kasama ng dumaraming “malaking pulutong.” Ang “malaking pulutong” ay nagkaroon ng malaking bahagi sa pagpapanatili ng espirituwal na paraiso ng modernong-panahong mga Saksi ni Jehova.

7. Ano ang hindi nakita ng mga mata ng pang-unawa ng nalabi bago 1914, subalit naidilat ba ang kanilang “bulag” na mga mata?

7 Bago ang wakas ng mga Panahong Gentil hindi nabuksan ang mga mata ng pang-unawa ng espirituwal na mga Israelita upang makita na ang kaguluhan sa daigdig na nakatakdang magsimula noong 1914 ay magwawakas na may nalabi sa kanila na naririto pa sa lupa. Ni nakita man nila na sila at ang “malaking pulutong” ng “ibang tupa” ay pagkakalooban ng pribilehiyo na pagbibigay ng pandaigdig na patotoo sa pagkatatag ng Mesianikong Kaharian ng Diyos. Kaya nangyari na noong 1919 nadilat ang espirituwal na bulag na mga mata ng nalabi, at anong pangitain tungkol sa malapit na hinaharap ang nakita ng nadilat na mga matang iyon!

8. Ano ang epekto ng dalawang mga kombensiyon sa Cedar Point, Ohio, sa espirituwal na mga pandinig at mga dila ng isinauling nalabi?

8 Sa kanilang mga kombensiyon sa Cedar Point, Ohio, noong 1919 at 1922, sila ay tumanggap ng ilang pahiwatig tungkol sa gawain na nasa unahan. Sila ay naghanda para sa atas na nasa kanilang harapan. Ang kanilang espirituwal na mga pakinig ay nabuksan upang marinig ang kapana-panabik na mensahe ng Kaharian ng Diyos at ang pangangailangan na ianunsiyo ito. Tulad ng isang usa, sila ay lumukso upang maglingkod bilang mga tagapagdala ng patotoo alang-alang sa malaon-nang-ipinanalanging Kaharian na iyon. Ang kanilang mga dila, na noon ay hindi makapagsalita, ay humiyaw sa kagalakan tungkol sa kapangyarihan ng Mesianikong Kaharian sa mga langit.​—Apocalipsis 14:1-6.

9. Sa espirituwal na paraan, paano bumukal ang tubig sa ilang?

9 Oo, para bang ang mga tubig ay bumukal sa espirituwal na lupain na dating tuyo at ilang, anupa’t ngayon ang lahat ay pawang luntian dahilan sa saganang pananim​—handang maging pinakamabunga. Hindi kataka-taka na ang ibinalik na bayan ni Jehova ay nagalak na lubha at lumakas na gaya ng usa na masiglang umaakyat sa mga kaitaasan! Tunay, ang tubig ng katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos, na natatag sa mga kamay ni Jesu-Kristo noong 1914, ay malakas na bumubulwak, na nagdudulot ng kamangha-manghang kaginhawahan.​—Isaias 44:1-4.

Ang “Daan” ng Kabanalan

10, 11. (a) Ano ang inilalarawan ng nakagiginhawang pagbabagong ito? (b) Sa anong daan natamo ng nalabi ang kanilang espirituwal na paraiso, at paano inilalarawan ito ng Isaias 35:8, 9?

10 Ano ang inilalarawan ng nabanggit? Ito: Una ang nalabi at nang dakong huli ang “malaking pulutong” ng “ibang tupa” ay lumabas na sa Babilonyang Dakila at naging mga saksi ng Kaharian ng Diyos. Subalit anong daan ang kanilang tatahakin upang mapabalik sa pagsang-ayon ng Diyos at makapasok sa espirituwal na paraisong ito? Ito’y para bang isang malawak, maluwang na daan ay nabuksan sa kanila upang pahintulutan ang karamihan ng may espiritu ng pagpapayunir na mga Israelita na nagkakaisang magmartsang sama-sama patungo sa kanilang bigay-Diyos na lupang tinubuan. Ipinahihiwatig ito ng masidhing kaligayahan na hula ni Isaias:

11 “At magkakaroon doon ng isang lansangan, samakatuwid nga’y isang daan; at ito’y tatawaging ang Daan ng Kabanalan. Ang marumi ay hindi daraan doon. At iyon ay magiging para sa lumalakad sa daan, at walang mga mangmang na maglilibot doon. Hindi magkakaroon doon ng leon, at hindi sasampa roon ang masasakim na mababangis na hayop.”​—Isaias 35:8, 9.

12. Kusa bang binuksan ng wakas ng Digmaang Pandaigdig I ang “daan” para sa nalabi, at ano ang naganap sa ikaapat na araw ng taóng 1919?

12 Ang wakas ng Digmaang Pandaigdig I ay hindi kusang nagbukas sa modernong-panahong “daan.” Walo sa mga kawani ng punung-tanggapan ng Samahang Watch Tower ay nakabilanggo pa at ang gawaing pagpapatotoo ay lubhang bumagal. Noong Enero 4, 1919, sa taunang miting ng Samahang Watch Tower sa Pittsburgh, Pennsylvania, si J. F. Rutherford, ang presidente ng Samahan, ay naihalal na muli sa tungkulin, sa kabila ng kaniyang pagkabilanggo, sa katiyakan na siya ay isang walang kasalanang lingkod ng Kataas-taasang Diyos.

13, 14. Anong mga pangyayari noong 1919 ang nagpapahiwatig na isang makasagisag na daan ang nabuksan sa nalabi, at sino ang tumahak sa “daan” na iyon?

13 Noong Marso 25, 1919, siya at ang kaniyang pitong mga kasamang bilanggo ay pinalaya at nang dakong huli’y lubusang pinawalang-sala. Ang The Watch Tower ng Setyembre 15, 1919, pahina 283, ay naglaman ng nakapagpapatibay-loob na balita na ang mga tanggapan ng Samahan, pasimula sa Oktubre 1, 1919, ay ililipat mula sa Pittsburgh pabalik sa Brooklyn Bethel sa 124 Columbia Heights. Pagkatapos, sa labas ng The Watch Tower noong Disyembre 15, 1919, ang publikasyong ito na makalawa isang buwan ay ipinahayag na muling inilalathala sa Brooklyn, New York.

14 Kaya noong 1919 isang makasagisag na daan ang nabuksan sa may kagalakang mga lingkod ng Diyos. Yaong nagnanais na maging banal sa paningin ni Jehova ang tumahak sa “daan” na iyon, “ang Daan ng Kabanalan.” Ang sinuman na walang tamang layunin, isang mabuting motibo, ay hindi tumahak sa makasagisag na “Daan ng Kabanalan” na iyan at maibalik sa pagsang-ayon ng Diyos.

15. Anong nakikitang katibayan ang ibinibigay na ang “malaking pulutong” ay pumasok sa makasagisag na daan?

15 Noong Hunyo 1, 1935, sa kombensiyon sa Washington, D.C., 840 sa “malaking pulutong” ang nabautismuhan sa tubig, nagbibigay ng nakikitang patotoo na sila ay pumasok na sa “daan.” Ngayon, dumaraming angaw-angaw sa kanila ang pumasok na sa daan na iyon, nakikisama sa umuunting bilang ng pinahirang nalabi. Mapayapa at nasisiyahan sa pakikisama sa isa’t isa, sila ngayon ay lumalakad na magkasama sa “daan,” determinado na, sa tulong ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat sa langit, walang makasisira ng kanilang pagkakaisa.

16. Sa makasagisag na pananalita, paanong walang leon o iba pang masasakim na mababangis na hayop sa daang ito?

16 Sa makasagisag na pananalita, walang leon o iba pang masasakim na mababangis na hayop ang masusumpungan sa daan na ito. Yaon ay, walang kikilos bilang hadlang o tatakot sa pinahirang nalabi at sa “malaking pulutong.” Sila ay may pagtitiwalang lalakad sa daan na ngayo’y binuksan sa kanila ng kanilang Tagapagpalaya, ang Lalong-dakilang Ciro, patungo sa Sion bilang kanilang destinasyon.

17. (a) Bagaman tayo ay malapit na sa “katapusan ng sistema ng mga bagay,” ang “daan” ba ay bukás pa? (b) Sino ang pumapasok sa “Daan ng Kabanalan,” at paano nila ginagawa ang gayon?

17 Ngayon, napakalapit na natin sa “katapusan ng sistema ng mga bagay,” ang “daan” na iyan na inalaan ng Diyos ay nananatiling bukás. Maraming mapagpahalagang tao ang kumikilos sa impormasyon na ang Babilonyang Dakila ay bumagsak na bago ang mahigpit na pagsalakay ng Lalong-dakilang Ciro, si Jesu-Kristo. At sila ay tumatakas mula rito, pumapasok sa daan ng espirituwal na paraiso, “ang Daan ng Kabanalan.”​—Jeremias 50:8.

18. Paano inilalarawan ng huling talata ng Isaias 35 ang kasalukuyang kalagayan ng tapat na mga saksi ni Jehova, at kanino nauukol ang pasasalamat sa katuparan ng hulang ito?

18 Tinatamasa nila ang hindi mailarawang kagalakan at katuwaan, gaya ng pagkakasabi rito ng pansarang talata ng Isaias kabanata 35: “At ang mga tinubos mismo ni Jehova ay mangagbabalik at magsisiparoon sa Sion nang nag-aawitan; at ang walang hanggang kagalakan ay mapapasa-kanilang mga ulo. Sila’y mangagsasaya at mangagagalak, at ang pagdadalamhati at pagbubuntong-hininga ay mapaparam.” Ang kanilang pagdadalamhati at pagbubuntong-hininga sapagkat sila dati ay hindi kasuwato ng Diyos na Jehova ay naparam sapol noong 1919. At ang pagdadalamhati at pagbubuntong-hininga ay hindi na nagbalik sa tapat, masayang mga saksi ni Jehova. Salamat sa Diyos na nagsasabi ng katotohanan, si Jehova, na kapuri-puring tinupad ang maniningning na hula ng Isaias kabanata 35!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share