Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Kayo ang Aking mga Saksi”!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 11. Anong atas ang ibinigay ni Jehova sa kaniyang lingkod, at ano ang isiniwalat ni Jehova tungkol sa kaniyang pagka-Diyos?

      11 Palibhasa’y mga inutil, ang mga huwad na diyos ay walang maihaharap na mga saksi. Kaya naman, kahiya-hiya na nananatiling bakante ang lugar na itinalaga para sa saksi. Subalit dumating na ang panahon ni Jehova upang patunayan ang kaniyang pagka-Diyos. Samantalang nakatingin sa kaniyang bayan, sinabi niya: “Kayo ang aking mga saksi, . . . ang akin ngang lingkod na aking pinili, upang malaman ninyo at manampalataya kayo sa akin, at upang maunawaan ninyo na ako pa rin ang Isang iyon. Walang Diyos na inanyuang una sa akin, at pagkatapos ko ay wala pa ring sinuman. Ako​—ako ay si Jehova, at bukod pa sa akin ay walang tagapagligtas. Ako ay nagpahayag at nagligtas at nagparinig niyaon, noong sa gitna ninyo ay walang kakaibang diyos. Kaya kayo ang aking mga saksi, . . . at ako ang Diyos. Gayundin, sa lahat ng panahon ay ako pa rin ang Isang iyon; at walang sinumang nakapagliligtas mula sa aking kamay. Ako ay kikilos, at sino ang makapipigil [ng aking kamay]?”​—Isaias 43:​10-13.

      12, 13. (a) Anong saganang patotoo ang maihaharap ng bayan ni Jehova? (b) Paano napabantog ang pangalan ni Jehova sa makabagong panahon?

      12 Bilang tugon sa mga salita ni Jehova, agad na napuno ng maliligayang pulutong ng mga saksi ang lugar na itinalaga para sa saksi. Ang kanilang patotoo ay maliwanag at di-matututulan. Gaya ni Josue, pinatunayan nila na ‘lahat ng sinalita ni Jehova ay nagkatotoo. Walang isa mang salita ang nabigo.’ (Josue 23:14) Natatandaan pa ng bayan ni Jehova ang mga salita nina Isaias, Jeremias, Ezekiel, at iba pang propeta na, sa iisang tinig, ay humula sa pagkatapon ng Juda at sa makahimalang pagliligtas sa kanila mula sa pagiging tapon. (Jeremias 25:​11, 12) Ang tagapagligtas ng Juda, si Ciro, ay binigyan na ng pangalan bago pa man siya ipinanganak!​—Isaias 44:​26–​45:1.

      13 Dahil sa gabundok na katibayang ito, sino pa kaya ang makatututol na si Jehova nga ang tanging tunay na Diyos? Di-gaya ng mga paganong diyos, tanging si Jehova lamang ang hindi nilalang; siya lamang ang tunay na Diyos.a Dahil dito, ang mga taong nagtataglay ng pangalan ni Jehova ay may pambihira at nakapananabik na pribilehiyong magsaysay ng kaniyang kamangha-manghang mga gawa sa darating na mga salinlahi at sa iba na nagtatanong tungkol sa kaniya. (Awit 78:​5-7) Sa katulad na paraan, pribilehiyo ng makabagong-panahong mga Saksi ni Jehova na ipahayag ang pangalan ni Jehova sa buong lupa. Noong dekada ng 1920, higit na naunawaan ng mga Estudyante ng Bibliya ang malalim na kahulugan ng pangalan ng Diyos, na Jehova. Pagkatapos, noong Hulyo 26, 1931, sa isang kombensiyon sa Columbus, Ohio, iniharap ng presidente ng Samahan, si Joseph F. Rutherford, ang isang resolusyon na pinamagatang “Isang Bagong Pangalan.” Ang mga salitang, “Hinahangad namin na makilala at tawagin sa pangalang, alalaong baga’y, mga saksi ni Jehova,” ay labis na ikinatuwa ng mga kombensiyonista, na sumang-ayon sa resolusyon sa pamamagitan ng pagsagot ng isang umaalingawngaw na “Oo!” Mula noon, napabantog na ang pangalan ni Jehova sa buong daigdig.​—Awit 83:18.

  • “Kayo ang Aking mga Saksi”!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • a Sa mga mitolohiya ng mga bansa, maraming diyos ang “ipinanganak” at nagkaroon ng “mga anak.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share