Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Panunumbalikin ni Jehova ang Espiritu ng mga Maralita
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 18. Paano inilarawan ang katayugan ni Jehova, gayunma’y anong maibiging pagmamalasakit ang kaniyang ipinamalas?

      18 Sa pagkakataong ito sinabi ni propeta Isaias ang mga salitang sinipi sa pasimula: “Ito ang sinabi ng Isa na Mataas at Matayog, na tumatahan magpakailanman at may pangalang banal: ‘Tumatahan ako sa kaitaasan at sa dakong banal, kasama rin ng isa na nasisiil at may mapagpakumbabang espiritu, upang ipanumbalik ang espiritu ng mga maralita at upang ipanumbalik ang puso ng mga sinisiil.’ ” (Isaias 57:15) Ang trono ni Jehova ay nasa pinakamataas na kalangitan. Wala nang tataas o tatayog pa kaysa rito. Nakaaaliw ngang malaman na mula roon ay nakikita niya ang lahat​—hindi lamang ang mga kasalanan ng balakyot kundi pati ang matuwid na mga gawa niyaong mga nagsisikap na maglingkod sa kaniya! (Awit 102:​19; 103:6) Bukod diyan, naririnig niya ang daing ng mga inaapi at pinanunumbalik ang puso ng mga sinisiil. Malamang na naantig ng mga salitang ito ang puso ng nagsisising mga Judio noong sinaunang panahon. Tiyak na naaantig din nito ang ating mga puso sa ngayon.

  • Panunumbalikin ni Jehova ang Espiritu ng mga Maralita
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 21. (a) Paano pinanumbalik ni Jehova ang espiritu ng mga pinahirang Kristiyano noong 1919? (b) Anong katangian ang makabubuting linangin natin bilang mga indibiduwal?

      21 Ang “Isa na Mataas at Matayog,” si Jehova, ay nagpakita rin ng pagmamalasakit sa kapakanan ng pinahirang nalabi noong 1919. Dahil sa kanilang espiritu ng pagsisisi at pagpapakumbaba, buong-kabaitang binigyang-pansin ng dakilang Diyos, si Jehova, ang kanilang kapighatian at iniligtas sila mula sa Babilonikong pagkabihag. Inalis niya ang lahat ng hadlang at inakay sila tungo sa kalayaan upang sila’y makapag-ukol sa kaniya ng dalisay na pagsamba. Sa gayon, ang mga salita ni Jehova sa pamamagitan ni Isaias ay natupad noon. At sa likod ng mga salitang iyon ay naroroon ang panghabang-panahong mga simulain na kapit sa bawat isa sa atin. Tinatanggap lamang ni Jehova ang pagsamba kung galing sa mga may mapagpakumbabang pag-iisip. At kapag nagkasala ang isa sa mga lingkod ng Diyos, dapat na kilalanin niya agad ang kaniyang pagkakamali, tanggapin ang pagsaway, at ituwid ang kaniyang mga lakad. Huwag sana nating kalilimutan kailanman na si Jehova ay nagpapagaling at umaaliw sa mga mapagpakumbaba ngunit ‘sumasalansang sa mga palalo.’​—Santiago 4:6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share