Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gumawa si Jehova ng Isang Magandang Pangalan Para sa Kaniyang Sarili
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 12, 13. (a) Sa anong paraan walang tumulong kay Jehova? (b) Paano naglalaan ng kaligtasan ang bisig ni Jehova, at paano siya inaalalayan ng kaniyang pagngangalit?

      12 Nagpatuloy si Jehova: “Ako ay tumitingin, ngunit walang tumulong; at ako ay nagsimulang manggilalas, ngunit walang sinumang nag-alok ng pag-alalay. Kaya naglaan sa akin ng kaligtasan ang aking bisig, at ang aking pagngangalit ang siyang umalalay sa akin. At patuloy kong niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilasing ko sila ng aking pagngangalit at ibinubo ko sa lupa ang kanilang pumupulandit na dugo.”​—Isaias 63:​5, 6.

      13 Walang katulong na tao ang maaaring umangkin ng kredito sa dakilang araw ng paghihiganti ni Jehova. Ni nangangailangan man si Jehova ng anumang tulong mula sa tao upang maisagawa ang kaniyang kalooban.c Sapat na ang di-masukat na kapangyarihan ng kaniyang bisig ng kalakasan para sa gawaing iyon. (Awit 44:3; 98:1; Jeremias 27:5) Isa pa, ang kaniyang pagngangalit ang umaalalay sa kaniya. Paano? Sa bagay na ang pagngangalit ng Diyos ay hindi isang di-masupil na damdamin kundi isang matuwid na pagkagalit. Yamang si Jehova ay palaging kumikilos salig sa matuwid na mga simulain, ang kaniyang pagngangalit ay umaalalay at nag-uudyok sa kaniya upang ‘ibubo niya sa lupa’ ang “pumupulandit na dugo” ng kaniyang mga kaaway, tungo sa kanilang kahihiyan at pagkatalo.​—Awit 75:8; Isaias 25:10; 26:5.

  • Gumawa si Jehova ng Isang Magandang Pangalan Para sa Kaniyang Sarili
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • c Nanggilalas si Jehova nang walang tumulong sa kaniya. Waring nakapanggigilalas nga na halos 2,000 taon pagkamatay ni Jesus, ang mga makapangyarihan ng sangkatauhan ay salansang pa rin sa kalooban ng Diyos.​—Awit 2:2-12; Isaias 59:16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share