Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Magalak Magpakailanman sa Aking Nilalalang”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 18. Ano ang matitira sa mga umiwan kay Jehova, at ano ang maaaring ipahiwatig ng paggamit sa kanilang pangalan sa pananata?

      18 Patuloy pang kinausap ni Jehova yaong mga umiwan sa kaniya: “Tiyak na ihaharap ninyo ang inyong pangalan para sa isang sumpa ng aking mga pinili, at papatayin kayong isa-isa ng Soberanong Panginoong Jehova, ngunit ang kaniyang mga lingkod ay tatawagin niya sa ibang pangalan; anupat kung pagpapalain ng sinuman sa lupa ang kaniyang sarili ay pagpapalain niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng Diyos ng pananampalataya, at ang sinumang nanunumpa sa lupa ay susumpa sa pamamagitan ng Diyos ng pananampalataya; sapagkat ang mga dating kabagabagan ay malilimutan at sapagkat ang mga iyon ay makukubli mula sa aking mga mata.” (Isaias 65:​15, 16) Ang tanging matitira sa mga umiwan kay Jehova ay ang kanilang pangalan, na gagamitin lamang sa pananata, o panunumpa. Maaari itong mangahulugan na yaong mga nagnanais na taimtim na italaga ang kanilang sarili sa pamamagitan ng isang panata, sa diwa, ay magsasabi: ‘Kung hindi ko tutuparin ang pangakong ito, danasin ko na sana ang parusang tinanggap ng mga apostatang iyon.’ Maaari pa nga itong mangahulugan na ang kanilang pangalan ay gagamitin sa pagbibigay ng ilustrasyon, gaya ng Sodoma at Gomorra, bilang isang sagisag ng parusa ng Diyos sa mga balakyot.

      19. Paanong ang mga lingkod ng Diyos ay tatawagin sa ibang pangalan, at bakit sila makapagtitiwala sa Diyos ng katapatan? (Tingnan din ang talababa.)

      19 Ibang-iba naman ang kahihinatnan ng sariling mga lingkod ng Diyos! Sila’y tatawagin sa ibang pangalan. Nangangahulugan iyan ng pinagpalang kalagayan at ng karangalang tatamasahin nila sa kanilang bayang tinubuan. Hindi sila maghahangad ng pagpapala mula sa alinmang huwad na diyos o manunumpa sa alinmang walang-buhay na idolo. Sa halip, kapag pinagpapala nila ang kanilang sarili o kaya’y nanunumpa, gagawin nila ito sa pamamagitan ng Diyos ng katapatan. (Isaias 65:​16, talababa sa Ingles) Ang mga naninirahan sa lupain ay magkakaroon ng dahilan upang lubusang magtiwala sa Diyos, sapagkat patutunayan niyang siya’y tapat sa kaniyang mga pangako.c Kapag sila’y ligtas na sa kanilang bayang tinubuan, di-magtatagal at malilimutan na ng mga Judio ang dating mga kabagabagan.

  • “Magalak Magpakailanman sa Aking Nilalalang”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • c Ayon sa Isaias 65:16 sa tekstong Hebreo Masoretiko, si Jehova ang “Diyos ng Amen.” Ang “Amen” ay nangangahulugang “mangyari nawa,” o “tiyak,” at isang pagpapatibay o garantiya na ang isang bagay ay totoo o nakatakdang magkatotoo. Sa pagsasakatuparan ng lahat ng kaniyang ipinangako, ipinakikita ni Jehova na anumang sabihin niya ay totoo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share