Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isang Aklat ng Hula
    Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao
    • Ang sinaunang Babilonya ay naging “ang hiyas ng mga kaharian.” (Isaias 13:19, The New American Bible) Ang lunsod na ito na napakalawak ang saklaw ay tamang-tamang nakapuwesto sa ruta ng kalakalan mula sa Gulpo ng Persiya hanggang sa Dagat Mediteraneo, anupat nagsisilbing sentro ng komersiyo para sa panlupa at pandagat na pangangalakal sa pagitan ng Silangan at Kanluran.

      Pagsapit ng ikapitong siglo B.C.E., ang Babilonya ang naging waring di-maigugupong kabisera ng Imperyo ng Babilonya. Ang lunsod ay nakasaklang sa Ilog Eufrates, at ang tubig ng dagat ay ginamit upang makahukay ng isang maluwang, malalim na trinsera at magkakarugtong na mga kanal. Karagdagan pa, ang lunsod ay protektado ng isang napakalaki at matibay na sistema ng doblehang mga pader, na sinusuhayan naman ng maraming bantayang tore. Hindi nga kataka-taka na maging palagay ang loob ng mga naninirahan doon.

      Gayunman, noong ikawalong siglo B.C.E., bago pumaimbulog ang Babilonya sa rurok ng kaluwalhatian nito, inihula ng propetang si Isaias na ang Babilonya ay ‘wawalisin ng walis ng pagkalipol.’ (Isaias 13:​19; 14:​22, 23) Inilarawan din ni Isaias ang mismong paraan ng pagbagsak ng Babilonya. ‘Tutuyuin’ ng mga manlulusob ang mga ilog nito​—ang pinagmumulan ng tulad-trinserang depensa nito​—na magpapahina sa lunsod. Binanggit pa man din ni Isaias ang pangalan ng mananakop​—si “Ciro,” isang dakilang hari ng Persia, “na sa harapan niya’y mabubuksan ang mga pintuang-daan at walang pinto ang masasarhan.”​—Isaias 44:27–​45:​2, The New English Bible.

  • Isang Aklat ng Hula
    Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao
    • “Hindi Siya Kailanman Tatahanan”

      Ano ang mangyayari sa Babilonya matapos na ito’y bumagsak? Inihula ni Isaias: “Hindi siya kailanman tatahanan, ni siya man ay tatahanan sa sali’t-saling lahi. At doon ay hindi magtatayo ng kaniyang tolda ang Arabe, at hindi pahihigain doon ng mga pastol ang kanilang mga kawan.” (Isaias 13:​20) Sabihin pa, waring kataka-taka naman na ihulang ang gayong lunsod na napakaganda ng kinalalagyan ay hindi na tatahanan magpakailanman. Maaari kayang ang mga salita ni Isaias ay isinulat pagkatapos na makita niya ang tiwangwang na Babilonya?

      Matapos ang pagsakop ni Ciro, ang isang tinatahanang Babilonya​—bagaman mas mababang-uri​—ay nagpatuloy pa rin sa loob ng maraming siglo. Alalahanin na kabilang sa mga Dead Sea Scroll ang isang kopya ng kumpletong aklat ng Isaias na pinetsahan ng ikalawang siglo B.C.E. Nang mga panahong kinokopya ang balumbong iyon, kinontrol ng mga Parthiano ang Babilonya. Noong unang siglo C.E., may pamayanan ng mga Judio sa Babilonya, at dumalaw roon ang manunulat ng Bibliya na si Pedro. (1 Pedro 5:13) Noong panahong iyon, halos dalawang siglo nang umiiral ang Dead Sea Scroll ni Isaias. Kaya, noong unang siglo C.E., hindi pa lubusang tiwangwang ang Babilonya, ngunit ang aklat ni Isaias ay malaon nang natapos bago pa noon.a

      Gaya ng inihula, ang Babilonya ay naging “bunton [na lamang] ng mga bato.” (Jeremias 51:37) Ayon sa Hebreong iskolar na si Jerome (ikaapat na siglo C.E.), noong kaniyang kaarawan ang Babilonya ay isang dako ng pangangaso na doon ang “bawat uri ng hayop” ay pagala-gala.9 Ang Babilonya ay nananatiling tiwangwang hanggang sa ngayon.

      Si Isaias ay namatay anupat hindi na niya nakita ang pagkatiwangwang ng Babilonya. Ngunit ang mga kaguhuan ng minsa’y naging makapangyarihang lunsod, mga 80 kilometro sa timog ng Baghdad, sa makabagong Iraq, ay naging piping patotoo sa katuparan ng kaniyang mga salita: “Hindi siya kailanman tatahanan.” Anumang pananauli sa Babilonya bilang pang-akit sa turista ay baka makabighani sa mga panauhin, ngunit ang mga “supling at kaapu-apuhan” ng Babilonya ay nawala na magpakailanman.​—Isaias 13:​20; 14:​22, 23.

      Kung gayon ay hindi nga bumigkas si propeta Isaias ng malalabong prediksiyon na maaaring iangkop sa anumang mangyayari sa hinaharap. Ni hindi niya dinoktor ang kasaysayan upang magmukha itong hula. Isipin lamang ito: Bakit magbabakasakali ang isang impostor na “manghula” ng isang bagay na doo’y wala siyang lubusang kontrol​—na ang dakilang Babilonya ay hindi na kailanman tatahanan?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share