-
Si Jehova’y Nagbibigay ng Pag-asa sa Gitna ng KapanglawanAng Bantayan—1988 | Setyembre 1
-
-
Ang mga dapat managot ay nagkakasala kung hindi nila hinahatulan ang kasamaan ng kasalanan. Ang Jerusalem ay ibinulusok ng Diyos “mula sa langit hanggang sa lupa,” at pinayagan na siya’y mapuksa at pati ang kaniyang “tuntungan ng paa,” ang templo. (Awit 132:7) Sa ganoo’y kaniyang “ipinahamak ang kaharian” ng Juda. Tulad ng isang hamak na kubol, ang templo ay niwasak ng mga kaaway na ang mga sigaw ng tagumpay ay mistulang mga pagsasaya. Mga anak na mamamatay na lamang ang nagmakaawa na bigyan sila ng pagkain ng kanilang mga ina. Subalit sino lalo na ang nagkasala? Mga bulaang propeta na nagsalita ng mga panlilinlang sa halip na hatulan ang pagkakasala ng Jerusalem. (Jeremias 14:13) Angkop naman ang manalangin, sapagkat napakarami ang nangamatay sa ‘araw ng mabangis na galit ni Jehova’ na ito’!—2:1-22.
-
-
Si Jehova’y Nagbibigay ng Pag-asa sa Gitna ng KapanglawanAng Bantayan—1988 | Setyembre 1
-
-
◻ 2:6—Ang “kubol” ng Diyos ay ang templo sa Jerusalem. Nang ang santuwaryong iyon ay wasakin ng mga Babiloniko, ipinahintulot niya na ito ay ‘tratuhin nang may karahasan,’ gaya ng isang kubo lamang sa isang halamanan. Ang gayong panandaliang lilim buhat sa mainit na araw ay ibinagsak.
-